Kalakhang Lungsod ng Turin
Ang Kalakhang Lungsod ng Turin (Italyano: Città metropolitana di Torino) ay isang kalakhang lungsod sa rehiyon ng Piamonte, Italya. Ang kabesera nito ay ang lungsod ng Turin. Pinalitan nito ang Lalawigan ng Turin at binubuo ang lungsod ng Turin at 315 iba pang mga munisipalidad (comuni). Ito ay unang nilikha ng reporma ng mga lokal na awtoridad (Batas 142/1990) at pagkatapos ay itinatag ng Batas 56/2014. Opisyal na itong gumagana mula pa noong Enero 1, 2015.
Kalakhang Lungsod ng Turin | ||
---|---|---|
Palazzo Cisterna sa Turin, ang luklukang panlalawigan | ||
| ||
Lokasyon ng Kalakhang Lungsod ng Turin | ||
Country | Italy | |
Region | Piamonte | |
Itinatag | Enero 1, 2015 | |
Capital(s) | Turin | |
Comuni | 316 | |
Pamahalaan | ||
• Metropolitanong alkalde | Chiara Appendino (M5S) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 6,827 km2 (2,636 milya kuwadrado) | |
Populasyon (30-06-2020) | ||
• Kabuuan | 2,244,017 | |
• Kapal | 330/km2 (850/milya kuwadrado) | |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
ISTAT | 201[1] | |
Websayt | cittametropolitana.torino.it/cms |
Ang Kalakhang Lungsod ng Turin ay pinamumunuan ng metropolitanong alkalde (sindaco metropolitano) at ng metropolitanong konseho (consiglio metropolitano). Mula noong Hunyo 5, 2016, si Chiara Appendino ang nagsilbi bilang alkalde ng kabeserang lungsod, na kahalili ni Piero Fassino. Ito ang pinakamalawak na Kalakhang Lungsod ng Italya at ang nag-iisang nasa hangganan ng isang banyagang estado.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Codici delle città metropolitane al 1° gennaio 2017". www.istat.it (sa wikang Italyano). 23 Disyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)