Kalinangang Nok
Ang kalinangang Nok ay isang maagang Panahong Bakal na populasyon na ang mga materyal na labi ay pinangalanan matapos sa Jaba na nayon ng Nok sa Nigeria, Aprika, kung saan ang kanilang bantog na terakotang mga iskulura ay unang natuklasan noong 1928. Ang kalinangang Nok ay lumitaw sa hilagaing Nigeria sa paligid ng 1000 BK at naglaho sa ilalim ng hindi alam na mga pangyayari sa paligid ng 500 AD, sa gayon tumagal ng humigit-kumulang 1,500 taon.[1]
Pangalan
baguhinTinawag na mga Nok ang mga taong ito ayon sa maliit na nayon ng Nok na matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng bayan ng Kano. Tinaguriang kalinangang Nok ang sining at gawi sa pamumuhay ng hindi nakikilalang mga taong ito. Natagpuan ang mga labi o bakas ng kanilang sining at gawi sa maraming mga sityong nasa pook na nasa hilaga ng dugtungan ng mga kailugan ng Niger at Benue.[1]
Mga istatwa
baguhinUnang natagpuan ng mga arkeologo ang mga istatwang gawa ng mga Nok noong 1931. Yari ang mga ito sa mga kasangkapang gawa sa putik o seramika. Ilan sa mga ito ang kasinglaki ng tunay na ulo ng tao. May iba namang maliit na huwaran ng mga hayop at mga tao. May mga butas sa mga tainga ang lahat ng mga istatwang ulo ng tao, kaya't pinaniniwalaang nagsuot ng mga alahas ang mga taong Nok. Batay sa mga istatwang natagpuan, pinaniniwalaan rin na mga magsasaka ang mga taong ito.[1]
Mga kasangkapan
baguhinNagbubo o nagtunaw rin ang mga Nok ng mga bakal. Gumawa rin sila ng mga batong palakol.[1]
Wakas ng kalinangan
baguhinWalang nakatitiyak kung kailan nagtapos ang kabihasnang Nok. Maaaring nagmula sa sibilisasyong Nok ang pangkasalukuyang tribo ng Yoruba.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who were the Nok people?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 15.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.