Ang palakol (axe o ax sa wikang Ingles) ay isang kasangkapan na ginagamit sa paghugis, pagbiyak at pagputol ng kahoy, pangani ng troso, bilang sandata at simbolong heraldiko at pangseremonya. Ang palakol ay may iba't ibang anyo para as iba't ibang paggamit ngunit kalimitang binubuo ng ulo ng palakol at ng hawakan o helve.

Isang palakol

Kasaysayan

baguhin

Noong panahon ng bato, bago ginawa ang modernong palakol, ginamit ng mga sinaunang tao ng palakol na walang hawakan. Sa huli, ito ay kinabit sa hawakang kahoy. Ang pinaka-unang mga palakol na merong hawakan ay ulo na baton at tinali sa kahoy paggagamit ng mga kagamitan na magagamit nila. Nang sumulong ang teknolohiya, nagkaroon ng mga palakol na gawa sa tanso at bakal. Ang palakol ay karaniwang may ulo at hawakan.

Ang palakol ay isang halimbawa ng karaniwang makina dahil ito ay isang uri ng kalso. Ito ay binabawasan ang kailangang pagsikap ng naghihiwa ng kahoy. Nahihiwa ang kahoy dahil sa katumbakan ng presyon sa talim. Ang hawakan ng palakol ay ginagamit din bilang isang pingga, at ito ay dinadagdag ang lakas na pwedeng ilabas ng gumagamit. Ang paghahawak ng palakol malapit sa ulo ay tinatawag na pagsasakal ng palakol. Ito ay maganda para sa mga tumpak na hiwa pero masama para sa paghihiwa na kailangan ng maraming lakas.