Kaliforniyo

(Idinirekta mula sa Kalipornyo)

Ang kalifornyo o kalipornyo ay isang elementong kimikal na may sagisag na Cf, atomikong bilang na 98. Ang elemento na ito ay unang nasintetiko noong 1950 sa Lawrence Berkeley National Laboratory (ngayon ay California Radiation Laboratory), sa pamamagitan ng pag-bombarda ng curium na may alpha particles (helium-4 ions).

Isang disko ng metalikong kaliforniyo (249Cf, 10 mg)

Pagkakadiskubre

baguhin
 
Ang cyclotron na ginamit sa paglikha at pagdiskubre ng kalifornyo

Ang kaliforniyo ay nadiskubre ng pangkat nina Stanley Thompson, Kenneth Street Jr., Albert Ghiorso, at Glenn Seaborg sa Unibersidad ng California sa Berkeley.[1][2] Nadiskubre nila ang elementong ito sa pamamagitan ng pagbomba ng isotopo ng kyuryo (curium-242)[2] at ilang mga ayonong elyo (helium ions) habang pinapabilis ang mga ito sa isang cyclotron.[1] Sa prosesong ito, nakakuha sila ng californium-245 na may kalahating buhay sa loob ng apatnapu't apat na minuto.[2]

Dahil sa panganib na dala ng kyuryo (curium), nahirapan ang pangkat nina Seaborg na makuha ang angkop na mga milligramo mula sa mga eksperimento at umabot hanggang tatlong taon ang pangangalap ng mga datos. Sa kabila ng kanilang pagpupursige, nakagawa sila ng limang libong atomo ng kalifornyo at ito'y naging sapat na ebidensya para mapatunayan ang pag-iral ng bagong elementong ito.[2]

Mga Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Encyclopaedia Apollo, Volume II (1971), McGraw-Hill Far Eastern Publishers (S), Ltd.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Californium - Element information, properties and uses | Periodic Table". www.rsc.org. Nakuha noong 2023-01-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)