Ang Kalye Jose Laurel (Ingles: Jose Laurel Street), na kilala din bilang Kalye J.P. Laurel (J.P. Laurel Street), ay isang kalyeng nililinyahan ng mga puno na matatagpuan sa distrito ng San Miguel sa Maynila, Pilipinas. Dumadaan ito kalinya sa Ilog Pasig mula sa sangandaan nito sa Abenida Lacson sa silangan hanggang sa Kalye Heneral Solano sa timog-kanluran. Dito matatagpuan ang Palasyo ng Malakanyang, gayundin ang iba pang mga gusaling pampamahalaan. Ilan pa sa mga iba pang kilalang pook na matatagpuan rito ay Casa Roces, College of the Holy Spirit, ang Pambansang Dambana ni San Judas, ang Pambansang Dambana ni San Miguel at mga Arkanghel, at ang Philippine Commission on Women. Kadalasan, hindi pinapahintulutan ang pampublikong pagdaan sa kalye sa kadahilanang panseguridad.

Sa mga nakalipas na taon, ang kalye ay may mga iba't-ibang pangalan, kabilang na ang Calzada de San Miguel at Calzada de Malacañan, subalit pagsapit ng dekada-1870, kilala na ito bilang Calle Áviles.[1][2] Ipinangalanan ito mula kay Don José Vicente de Áviles, el Conde de Áviles, na nagpahaba ng kalye patungong Santa Mesa at dating Rotondang Carriedo ng Sampaloc. Isang maliit na plasa sa tapat ng Palasyo ng Malakanyang ay ipinangalanan din kay Áviles. Noong 1959, binigyan ito ng bagong pangalan na mula kay José P. Laurel, dating Pangulo ng Pilipinas.[3]

Tignan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Viajes por Filipinas: De Manila á Tayabas". Gutenberg Project. Nakuha noong 17 Oktubre 2013.
  2. "Vintage Joaquin". Philippine Star. {{cite web}}: |access-date= requires |url= (tulong); Missing or empty |url= (tulong); Text "http://www.philstar.com/arts-and-culture/176218/vintage-joaquin" ignored (tulong)
  3. "Quezon on the 5 Philippine Republics". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 17 Oktubre 2013.

14°21′11″N 120°35′35″E / 14.3531°N 120.5930°E / 14.3531; 120.5930