Ang Kami nAPO Muna ay ang unang album ng pagkilala bilang parangal sa grupong musikal ng Pilipinas noong dekada 1970 na APO Hiking Society.

Kami nAPO Muna
Studio album para sa APO Hiking Society - iba-ibang mang-aawit
Inilabas2006
TatakUniversal Records

Pagtatanghal

baguhin

Isang konsiyerto ng pagkilala ang itinanghal sa pagtataguyod ng MYX Music Channel noong nailunsad ang album. Ito ay isang pasasalamat sa mga naging kontribusyon ng tatlong kasapi ng grupo para sa pag-usbong ng musikang Pilipino.[1] Isang two-disc na limitadong edisyon ng Kami nAPO Muna ang ipinalabas sa publiko, kasama ang pangalawang plaka na naglalaman ng mga orihinal na bersyon ng Apo Hiking Society. Ang album ay itinuturing na pinakamalaking-bentang album noong 2006 sa Pilipinas, na may 4x Platinum Certification (ibig sabihin, mahigit 125,000 mga kopyang ang naibenta) sa loob lamang ng anim na buwan. Nakakuha rin ito ng gantimapala mula sa Awit Awards bilang ang pinaka-mabentang album ng taon (Bestselling Album of the Year) para sa taong 2007.[2][3][4]

Nilalaman

baguhin
  1. "Pumapatak ang Ulan"[5] - Parokya Ni Edgar
  2. "Yakap sa Dilim" - Orange and Lemons
  3. "Doo Bidoo" - Kamikazee
  4. "Awit ng Barkada" - Itchyworms
  5. "Nakapagtataka" - Sponge Cola
  6. "Ewan" - Imago
  7. "Batang-bata Ka Pa" - Sugarfree
  8. "Kumot at Unan" - Boldstar
  9. "When I Met You" - Barbie Almalbis
  10. "Bakit ang Babae" - Sandwich
  11. "Kabilugan ng Buwan" - Drip
  12. "Di na Natuto" - Sound
  13. "Anna" - Top Suzara
  14. "Blue Jeans" - Rocksteddy
  15. "Panalangin" - Moonstar88
  16. "Paano" - Shamrock
  17. "Pag-ibig" - Kitchie Nadal
  18. "Bawat Bata" - The Dawn

Mga sanggunian

baguhin
  1. Panaligan, Jojo (2006-08-27). "Classic APO hits by contemporary acts in tribute concert". Manila Bulletin. Nakuha noong 2008-09-10
  2. "Kami nAPO Muna". titikpilipino.com. Isinipi mula sa orihinal noong 2007-10-11. Nakuha noong 2007-10-18
  3. "More bands revive APO songs". Manila Standard Today. Setyembre 18, 2007. Nakuha noong 2007-10-18.
  4. "Apo Hiking Society at Crossroad 77". Manila Bulletin. Pebrero 17, 2008. Isinipi mula sa orihinal noong Pebrero 27, 2009. Nakuha noong 2008-09-10.
  5. Ang 'Pumapatak Na Naman Ang Ulan' ng Parokya ni Edgar ay naisama sa kanilang album na Edgar Edgar Musikahan, na ibinahagi noong 2002.