APO Hiking Society
Ang Apolinario Mabini Hiking Society, na mas tanyag na kilala bilang APO Hiking Society, o simpleng APO lamang, ay isang pangmusikang Pilipino pangkat at isa sa mga haligi ng Orihinal na Pilipinong Musika (o Original Pilipino Music o OPM) na binubuo nina Danny Javier, Jim Paredes, at Boboy Garrovillo.[2] Ngayon, ang grupo binubuo lang sina Paredes at Garrovillo bilang duo.
APO Hiking Society | |
---|---|
Kabatiran | |
Pinagmulan | Lungsod Quezon, Pilipinas |
Genre | |
Taong aktibo | 1969 | –kasalukyan
Label |
|
Miyembro | Jim Paredes Boboy Garovillo |
Dating miyembro | John Paul Micayabas Kenny Barton Doden Besa Bruce Brown Gus Cosio Butch Dans Renato Garcia Danny Javier Lito de Joya Chito Kintanar Goff Macaraeg Sonny Santiago Kinjo Sawada Ric Segreto |
Website | apohikingsociety.org |
Nagsimula ang grupo noong 1969 sa mataas na paaralan ng Ateneo de Manila na may 15 miyembro[2] na sina John Paul Micayabas, Lito de Joya, Sonny Santiago, Gus Cosio, Renato Garcia, Chito Kintanar, Kenny Barton, Bruce Brown, Butch Dans, Kinjo Sawada, Ric Macaraeg, Goff Macaraeg, Doden Besa, Jim Paredes, Boboy Garovillo, at ang ika-16 na kasapi na si Danny Javier na sumali noong nasa kolehiyo na sila. Nagmula ang pangalan ng pangkat sa akronimo ng mataas na paaralan nila, ang AMHS, at binago nila ito upang magbigay reperensya sa rebolusyonaryo at bayaning Pilipino na si Apolinario Mabini, at pinaikli kalaunan sa "Apo", isang katawagang Ilokano para sa "lolo" o "lola", o katagang panggalang sa nakakatanda (kilala man o hindi). Sa wikang Tagalog, kabaligtaran naman ang kahulugan dahil tumutukoy ang "apo" sa anak ng anak ng isang ama o ina (na lolo o lola ni apo). Sa kalaunan, naging "APO" (lahat kapital) ang pangalan ng grupo nila.
Kasaysayan
baguhinPagkatapos nila magtapos sa kolehiyo, umalis ang karamihan sa mga kasapi upang magkaroon ng indibiduwal na karera. Tatlo na lamang ang natira,[3] sina Jim Paredes, Boboy Garovillo and Danny Javier.[4]
Sa loob ng kanilang propesyunal na karera, sinulong ng APO ang isang kilusang pangmusika na tinawag na Orihinal na Pilipinong Musika (o Original Pilipino Music, OPM).[3][5][6] Dagdag pa dito, naging abala ang APO sa produksyon ng rekord, pamamahala ng mga talento at pag-organisa ng mga pangmusikang artista sa ilalim ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (O.P.M.). Lumawak ang mga aktibidad ng grupo sa pagtatag at pagpapasulong ng mga karera ng mga artistang OPM sa Pilipinas.[6]
Diskograpiya
baguhinMga album na istudiyo
baguhin- Collector's Item (1975)
- Songwriter (1976)[7]
- Pagkatapos ng Palabas (1978)[8]
- Ten Years Together (1980)
- Twelve Years Together (1982)
- True To My Music (1983)
- Feet On The Ground (1984)
- Direksyon (1986)
- Made in the Philippines (1987)
- Mga Kuwento ng Apo (1988)
- Songbuk ng APO (1991)
- PaskonAPO (1991)
- 1-2-3 (1992)[9]
- Barangay Apo (1994)
- Dating Alternatib (1996)
- Mismo! (1999)
- Banda Rito (2001)
- PaskonAPO Repackaged (2006)
- The Apo: Jim, Buboy and Danny (2009)
Mga album na live
baguhin- In Concert#$%!? (Live Album) (1974)
- The Worst of Apo Hiking Society (Live Album) (1986)
- DalawampunAPOsila (Double Live Album) (1989)
Mga kompilasyon
baguhin- The Best of Apo Hiking Society, Vol. 1 (1982)
- The Best of Apo Hiking Society, Vol. 2 (1991)
- Kami nAPO muna: 2-Disc Limited Edition (2006)
- Kami nAPO muna ulit: 2-Disc Limited Edition (2007)
- The Best Of Kami nAPO Muna 2-CD (2008)
- APO Hiking Society: 18 Greatest Hits (2009)
- Kami nAPO Naman Dito Sa Canada Limited Edition (2009)
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Thirdline Incorporated's Profile" (sa wikang Ingles). Thirdline Incorporated. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-17. Nakuha noong 2010-08-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Lolarga, Elizabeth (Hunyo 1–15, 2002). "Apo Hiking Society After 34 Years: It's Still A New Day" (sa wikang Ingles). Planet Philippines Online Edition. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-19. Nakuha noong 2008-09-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Apo Hiking Society at Crossroad 77" (sa wikang Ingles). Manila Bulletin. Pebrero 17, 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-27. Nakuha noong 2008-09-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Apo Hiking Society History: Three Decades of APO" (sa wikang Ingles). www.apohikingsociety.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-14. Nakuha noong 2008-09-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Panaligan, Jojo (2006-08-27). "Classic APO hits by contemporary acts in tribute concert" (sa wikang Ingles). Manila Bulletin. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 17, 2007. Nakuha noong 2008-09-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 "Promoting Original Pilipino Music" (sa wikang Ingles). www.apohikingsociety.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Agosto 2008. Nakuha noong 2008-09-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippines APO HIKING SOCIETY Songwriter OPM LP Vinyl JEM Record". eBay Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-11-08. Nakuha noong Setyembre 18, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippines APO HIKING SOCIETY Pagkatapos Ng Palabas OPM LP Vinyl JEM Record". eBay Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-11-08. Nakuha noong Setyembre 18, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "APO Hiking, Randy Santiago release album" (sa wikang Ingles). 6 Oktubre 1992. Nakuha noong 25 Setyembre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)