Kanlurang Linya ng Rikuu
Ang Kanlurang Linya ng Rikuu (陸羽西線 Rikuu-sai-sen) ay isang linyang daangbakal sa Hapon na pinapatakbo ng East Japan Railway Company (JR East). Kinokonekta nito ang Estasyon ng Shinjo sa Prepektura ng Yamagata at Estasyon ng Amarume at tumutuloy ang mga tren sa Estasyon ng Sakata, kahit na hindi ito opisyal na bahagi ng Kanlurang Linya ng Rikuu. Sa Shinjō, mayroong koneksiyon ito sa Yamagata Shinkansen, Pangunahing Linya ng Ōu at Silangang Linya ng Rikuu; samantalang kinokonekta naman ang Pangunahing Linya ng Uetsu sa Estasyon ng Sakata. Nagmula ang pangalan ng linya sa sinaunang lalawigan ng Mutsu (陸奥) at Dewa (出羽) (o sa ibang paraan, lalawigan ng Rikuzen (陸前) at Uzen (羽前) noong panahon ng Meiji), kahit na ang tanging kinokonekta nito ay ang Silangan Linya ng Rikuu.
Kanlurang Linya ng Rikuu | |||
---|---|---|---|
Buod | |||
Uri | Mabigat na daangbakal | ||
Hangganan | Shinjō Yamagata | ||
(Mga) Estasyon | 10 | ||
Operasyon | |||
Binuksan noong | 1913 | ||
May-ari | JR East | ||
Teknikal | |||
Haba ng linya | 43.0 km (26.7 mi) | ||
Luwang ng daambakal | 1,067 mm (3 ft 6 in) | ||
|
|
Estasyon
baguhinEstasyon | Wikang Hapon | Layo (km) | Paglipat | Lokasyon | |
---|---|---|---|---|---|
Shinjō | 新庄 | 0.0 | Yamagata Shinkansen, Pangunahing Linya ng Ōu, Silangang Linya ng Rikuu | Shinjō | Yamagata |
Masukata | 升形 | 7.5 | |||
Uzen-Zennami | 羽前前波 | 10.6 | |||
Tsuya | 津谷 | 12.9 | Tozawa | ||
Furukuchi | 古口 | 17.0 | |||
Takaya | 高屋 | 24.8 | |||
Kiyokawa | 清川 | 31.1 | Shōnai | ||
Karikawa | 狩川 | 34.9 | |||
Minamino | 南野 | 38.9 | |||
Amarume | 余目 | 43.0 | Pangunahing Linya ng Uetsu | ||
Seksiyon ng Pangunahing Linya ng Uetsu. | |||||
Sakata | 酒田 | 55.3 | Pangunahing Linya ng Uetsu | Sakata |
Talababa
baguhinSalin ang artikulong ito mula sa Ingles na Wikipedia.
Mga kawing panlabas
baguhin- Talaan ng estasyon ng JR East (sa Hapones)