Silangang Linya ng Rikuu

Ang Silangang Linya ng Rikuu (陸羽東線, Rikuu-tō-sen) ay isang linyang daangbakal sa Japan, na pinapatakbo ng East Japan Railway Company (JR East). Kinokonekta nito ang Estasyon ng Kogota sa Misato, Prepektura ng Miyagi at Estasyon ng Shinjō sa Shinjō, Prepektura ng Yamagata, at nagsisilbing konektor sa pagitan ng Pangunahing Linya ng Tōhoku, Pangunahing Linya ng Ōu, at Tōhoku Shinkansen sa silangang rehiyon ng Tōhoku. Nagbibigay din ito ng akses sa hilaga-kanluran ng Prepektura ng Miyagi at hilaga-silangan ng Prepektura ng Yamagata. Kinokonekta nito ang Linyang Ishinomaki at Pangunahing Linya ng Tōhoku sa Misato, ang Tōhoku Shinkansen sa Ōsaki, at ang Pangunahing Linya ng Ōu at Yamagata Shinkansen sa Shinjō. Tumutukoy ang pangalang ito sa sinaunang lalawigan ng Mutsu (陸奥) at Dewa (出羽) (o sa ibang paraan, lalawigan ng Rikuzen (陸前) at Uzen (羽前) noong panahon ng Meiji), na kinokonekta ng linya.

Silangang Linya ng Rikuu
Isang tren sa Silangang Rikuu
Buod
UriMabigat na daangbakal
LokasyonPrepektura ng Miyagi at Yamagata, Japan
HanggananKogota
Shinjō
(Mga) Estasyon27
Operasyon
Binuksan noong1913
May-ariJR East
Teknikal
Haba ng linya94.1 km (58.5 mi)
Luwang ng daambakal1,067 mm (3 ft 6 in)
PagkukuryenteWala
Mapa ng ruta

Estasyon

baguhin
Estasyon Wikang Hapon Layo (km) Paglipat Lokasyon
Kogota 小牛田 0.0 Pangunahing Linya ng Tōhoku, Linyang Ishinomaki Misato Prepektura ng Miyagi
Kitaura 北浦 4.5
Rikuzen-Yachi 陸前谷地 6.6
Furukawa 古川 9.4 Tōhoku Shinkansen Ōsaki
Tsukanome 塚目 12.1
Nishi-Furukawa 西古川 15.9
Higashi-Ōsaki 東大崎 19.1
Nishi-Ōsaki 西大崎 21.9
Iwadeyama 岩出山 24.8
Yūbikan 有備館 25.8
Kaminome 上野目 28.6
Ikezuki 池月 32.4
Kawatabi-Onsen 川渡温泉 38.8
Naruko-Gotenyu 鳴子御殿湯 42.7
Naruko-Onsen 鳴子温泉 44.9
Nakayamadaira-Onsen 中山平温泉 50.0
Sakaida 境田 55.3 Mogami Prepektura ng Yamagata
Akakura-Onsen 赤倉温泉 61.1
Tachikōji 立小路 62.8
Mogami 最上 65.6
Ōhori 大堀 69.5
Usugi 鵜杉 71.5
Semi-Onsen 瀬見温泉 75.0
Higashi-Nagasawa 東長沢 81.0 Funagata
Nagasawa 長沢 82.8
Minami-Shinjō 南新庄 89.2 Shinjō
Shinjō 新庄 94.1 Yamagata Shinkansen, Pangunahing Linya ng Ōu, Kanlurang Linya ng Rikuu

Talababa

baguhin

Salin ang artikulong ito mula sa Ingles na Wikipedia.