Kanojo, Okarishimasu

Serye ng manga ni Reiji Miyajima, anime noong 2020

Ang Kanojo, Okarishimasu,[b] kilala rin sa Ingles nitong pamagat na Rent-A-Girlfriend, ay isang serye ng manga mula sa bansang Hapón na isinulat at iginuhit ni Reiji Miyajima. Baha-bahagi itong nilalabas sa magasing Weekly Shōnen ng Kodansha noong pang Hulyo 2017. Nakapaglimbag na ito ng 17 mga tomo pagdating ng Setyembre 2020. Lisensyado para ilabas sa Hilagang Amerika ang Kodansha Comics, kung saan nilabas nila ang unang tomo nito sa wikang Ingles noong Hunyo 2020.

Kanojo, Okarishimasu
Rent-A-Girlfriend
Logo ng serye
彼女、お借りします
Parenta ng Kasintahan
DyanraRomcom
Manga
KuwentoReiji Miyajima
NaglathalaKodansha
MagasinWeekly Shōnen Magazine
DemograpikoShounen
Takbo12 Hulyo 2020 (2020-07-12) – kasalukuyan
Bolyum32
Manga
'Kanojo, Hitomishirimasu
Mahiyain ang Kasintahan Ko[a]
KuwentoReiji Miyajima
NaglathalaKodansha
MagasinMagazine Pocket
DemograpikoShounen
TakboHunyo 21, 2020 – kasalukuyan
Bolyum1
Teleseryeng anime
DirektorKazuomi Koga
IskripMitsutaka Hirota
MusikaHyadain
EstudyoTMS Entertainment
LisensiyaCrunchyroll
Muse Communication
Inere saJNN (MBS, TBS)
TakboHulyo 11, 2020 – Setyembre 26, 2020
Bilang12 (Listahan ng episode)
 Portada ng Anime at Manga

Nagkaroon ito ng isang teleseryeng anime, na ginawa ng istudyong TMS Entertainment. Umere ito mula Hulyo hanggang Setyembre 2020 sa Super Animeism ng MBS. Inanunsyo ang ikalawang season nito noong ika-25 ng Setyembre 2020.

Kuwento

baguhin

Nakipaghiwalay ang kasintahan ni Kazuya Kinoshita na si Mami Nanami sa kanya matapos makipag-date nang isang buwan. Malubhang nasaktan, nagdesisyon si Kazuya na rentahan si Chizuru Mizuhara, isang rinerentahang kasintahan (レンタル彼女, rentaru kanojo), mula sa isang online na dating app. Napakaganda at napakaperpekto ni Chizuru, na nangunguna sa listahan ng mga baguhang rerentahan sa app. Iritado, binigyan ni Kazuya siya ng isang mababang iskor sa app. Noong minaliit ni Chizuru siya dahil rito, nalaman niyang di pala ito perpekto tulad ng inaasahan niya. Gayunpaman, nang malaman ni Kazuya na naospital ang lola niya, sinama niya si Chizuru sa ospital. Pinuri ng lola niya siya dahil nakakuha siya ng isang maganda at mabuting kasintahan. Walang kaalam-alam ang lola niya sa tunay na sitwasyon, at dahil rito, patuloy niyang rinentahan si Chizuru sa tuwing bibisita siya sa ospital. Gayunpaman, lalo pang naging komplikado ang lahat nang nalaman nilang dalawa na pareho sila ng pinapasukang pamantasan at magkapitbahay pa. Hindi pa nakatulong na nalaman din ng mga kaibigan ni Kazuya na may "kasintahan" ito, at wala ring kaalam-alam sa tunay na sitwasyon. Sa kalagitnaan ng serye, sumali ang iba pang mga babae mula sa kaparehong app para lalo pang gawing komplikado ang komplikado na'ng sitwasyon ng dalawa.

Mga karakter

baguhin

Kazuya Kinoshita (木ノ下 和也, Kinoshita Kazuya)

Boses ni: Jun Fukushima (2017 patalastas),[1] Haruki Ishiya (2018 patalastas),[2] Shun Horie (2020 anime)[3] (Hapones), Aleks Le[4] (Ingles)
Isang lalaking edad 20 taong gulang na nag-aaral sa isang kolehiyo at naninirahan sa Tokyo. Matapos masaktan mula sa hiwalayan nila ng kasintahan niyang si Mami Nanami, nagrenta siya ng kasintahan. Matapos ang ilang mga pangyayari, napilitan siyang tuloy-tuloy na rentahan si Chizuru Mizuhara para may maipakita sa pamilya niya (lalo na sa lola niya sa ospital) at sa mga katropa niya. Nahulog ang loob niya kalaunan kay Chizuru. Parati siyang di makapagdesisyon para sa sarili niya, at madalas nakikitang sumusuko na lang agad. Sa kabilang banda naman, mabait naman siya, parating inaalala ang mga taong nasa paligid niya.

Chizuru Mizuhara (水原 千鶴, Mizuhara Chizuru)

Boses ni: Sora Amamiya (2017 commercial, 2020 anime),[1][3] Aoi Yūki (2018 commercial)[2] (Hapones), Lizzie Freeman[4] (Ingles)
Isang kolehiyanang nagtatrabaho bilang isang nirerentahang kasintahan para kumpanyang Diamond. Ipinagmamalaki niya ang mga napakataas na rating sa kanya sa app, ngunit nainis agad siya kay Kazuya dahil sa binigay nitong mababang rating. Ginagamit niya ang pangalang "Chizuru Ichinose" habang nag-aaral, at may personalidad at pananamit na ibang-iba sa sinusuot niya't ugali kapag nagtatrabaho siya. Ibinunyag kalaunan ng serye na magkapitbahay lang sila ni Kazuya sa tinitirhan nilang apartment. Pumayag si Chizuru na rentahan siya ni Kazuya nang paulit-ulit para sa lola nito at nang makapag-move on na ito mula kay Mami. Kalaunan sa serye, ibinunyag naman ang dahilan niya kung bakit ganito ang trabaho niya - gusto niyang maging isang aktres.

Mami Nanami (七海 麻美, Nanami Mami)

Boses ni: Aoi Yūki (2018 commercial, 2020 anime)[2][3] (Hapones), Laura Stahl[4] (Ingles)
Ang dating kasintahan ni Kazuya. May maiksi siyang buhok na mala-ginto ang kulay. Mukha siyang palakaibigan ngunit may personalidad na mainggitin at mapang-angkin na nagpapatakot kahit ng mga kaibigan niya. Nagulat na siya nang malaman niyang may kasintahan na agad si Kazuya matapos ng hiwalayan nila, at nanghihinala sa tunay na kalagayan ng dalawa.

Ruka Sarashina (更科 るか, Sarashina Ruka)

Boses ni: Nao Tōyama[3] (Hapones), Sarah Anne Williams[5] (Ingles)
Isang babaeng unang ipinakilala ng serye bilang kasintahan ng isa sa mga kaibigan ni Kazuya, ngunit agad ding nabukong nirerentahang kasintahan din pala siyang nagtatrabaho sa isang kumpanya. May suot-suot siyang headband na laso. Gusto niyang i-date si Kazuya nang totohanan matapos niyang makita itong masigasig na nakikitungo sa kanya at kay Chizuru. Mababa ang pulso ng puso niya, na palagian niyang minomonitor. Si Kazuya ang kauna-unahang lalaking nagpataas sa pulso niya.

Sumi Sakurasawa (桜沢 墨, Sakurasawa Sumi)

Boses ni: Rie Takahashi[3]
Isang babaeng nagtatrabaho rin bilang nirerentahang kasintahan ng kaparehong kumpanya ni Chizuru. Nasa unang taon siya ng kolehiyo, at baguhan sa industriya. Mahiyain siya, at sinubukan niyang i-date si Kazuya, sa pamimilit ni Chizuru, upang humusay siya sa larangan. Kalaunan, nahulog ang loob niya kay Kazuya. Sa spinoff na mangang Kanojo, Hitomishirimasu,[a] ibinunyag na gusto niyang maging isang idol kaya nagtrabaho siyang bilang isang nirerentahang kasintahan.

Parehong isinulat at iginuhit ni Reiji Miyajima ang Kanojo, Okarishimasu. Nagsimula itong baha-bahaging ilabas sa magasing Weekly Shōnen ng Kodansha noong ika-12 ng Hulyo 2017,[6] at nakagawa na ito ng 18 tankobon pagdating ng Nobyembre 2020.[7] Lisensiyado ang Kodansha Comics para ilabas ang Ingles na salin nito sa Hilagang Amerika, kung saan inilabas nila ang una sa mga ito noong ika-2 ng Hunyo 2020.[8] Naglabas din ang Kodansha Comics ng isang antolohiya ng serye noong ika-17 ng Agosto 2020.[9][10]

Samantala, sinimulan naman ang baha-bahaging paglabas ng spinoff na serye nitong Kanojo, Hitoshimirimasu[a] noong ika-21 ng Hunyo 2020 sa app ng Kodansha na Magazine Pocket. Isinulat at iginuhit rin ito ni Miyajima. Umiikot ang kuwento nito kay Sumi Sakurasawa.[11] Ginawan na ito ng isang tankobon pagdating ng Setyembre 2020.[12]

Inanunsyo noong ika-15 ng Disyembre 2019 ang pagsasa-anime nito.[3] Ang istudyong TMS Entertainment ang namahala sa produksiyon nito. Dinirek ito ni Kazuomi Kaga, at si Mitsutaka Hirota ang namahala naman sa komposisyon ng serye.[3] Si Kanna Hirayama naman ang gumawa ng mga disenyo ng karakter, at si Hyadain naman ang bumuo ng musika.[3]

Ang bandang The Peggies ang kumanta ng pambungad na tema ng serye, Centimeter.[c][13] Para naman sa pangwakas na tema nito, kinanta ni Halca ang Kokuhaku Bungee Jump[d] na pinatugtog sa lahat ng episode maliban sa una, ika-7, at ika-12 episode.[14][note 1] Si Halca rin ang kumanta ng ikalawang pangwakas na tema nito, First Drop, na ginamit ng ika-7 episode.[e][15] Kinanta naman ni Sora Amamiya, ang nagboses kay Chizuru Mizuhara, ang pangatlong pangwakas na tema nito, Kimi wo Tousite,[f][16] na ginamit sa ika-12 episode.

Umere ang serye sa MBS at iba pang mga network sa bansang Hapón mula ika-11 ng Hulyo hanggang ika-26 ng Setyembre.[17][18][note 2] Nagkaroon ito ng labindalawang episode.[17] Noong ika-25 ng Setyembre, inanunsyong magkakaroon ito ng pangalawang season.[19]

Lisensiyado ang Crunchyroll para maipalabas ito sa labas ng Asya.[20] Sa Timog-Silangang Asya, lisensiyado ang Muse Communication para maipalabas ito sa naturang rehiyon, kung saan pinalabas nila ito sa serbisyong pang-stream iQIYI.[21] Noong ika-11 ng Agosto 2020, inanunsyo ng Crunchyroll na magkakaroon ito ng dub sa Ingles. Nilabas nila ang dub na ito noong ika-28 ng Agosto.[22]

Mga episode

baguhin
PamagatUnang inere [23][note 2]
1"Rentaru Kanojo"
Nirerentahang Kasintahan
(Hapones: レンタル彼女)
11 Hulyo 2020 (2020-07-11)
2"Moto Kano to Kanojo"
Dati at Kasintahan
(Hapones: 元カノと彼女)
18 Hulyo 2020 (2020-07-18)
3"Umi to Kanojo"
Dagat at Kasintahan
(Hapones: 海と彼女)
25 Hulyo 2020 (2020-07-25)
4"Tomodachi to Kanojo"
Kaibigan at Kasintahan
(Hapones: 友達と彼女)
1 Agosto 2020 (2020-08-01)
5"Onsen to Kanojo"
Onsen at Kasintahan
(Hapones: 温泉と彼女)
8 Agosto 2020 (2020-08-08)
6"Kanojo to Kanojo"
Kasintahan at Kasintahan
(Hapones: 彼女と彼女)
15 Agosto 2020 (2020-08-15)
7"Kari Kano to Kanojo"
Pansamantala at Kasintahan
(Hapones: 仮カノと彼女)
22 Agosto 2020 (2020-08-22)
8"Kurisumasu to Kanojo"
Pasko at Kasintahan
(Hapones: クリスマスと彼女)
29 Agosto 2020 (2020-08-29)
9"Uso to Kanojo"
Palusot at Kasintahan
(Hapones: 嘘と彼女)
5 Setyembre 2020 (2020-09-05)
10"Tomodachi no Kanojo"
Kasintahan ng Kaibigan
(Hapones: 友達の彼女)
12 Setyembre 2020 (2020-09-12)
11"Shinjitsu to Kanojo"
Katotohanan at Kasintahan
(Hapones: 真実と彼女)
19 Setyembre 2020 (2020-09-19)
12"Kokuhaku to Kanojo"
Pag-amin at Kasintahan
(Hapones: 告白と彼女)
26 Setyembre 2020 (2020-09-26)

Talababa

baguhin

Paglilinaw

  1. Gayunpaman, ginamit ito bilang isang isiningit na kanta sa panghuling episode (ika-12 episode).
  2. 2.0 2.1 Inilista ng MBS ang premiere ng serye sa 25:25 ng ika-10 ng Hulyo 2020, na katumbas ng 1:25 n.u. kinabukasan (ika-11 ng Hulyo).[17][18]

Pagsasalin

  1. 1.0 1.1 1.2 彼女、人見知ります, Filipino: Mahiyain Siya o Mahiyain ang Kasintahan Ko.
  2. 彼女、お借りします, Filipino: Parenta ng Kasintahan, kilala rin sa pinaiksing tawag nitong KanoKari.
  3. センチメートル, Senchimētoru, literal na Sentimetro.
  4. 告白バンジージャンプ, Kokuhaku Banjī Janpu, literal na Pag-amin Bungee Jump.
  5. literal na Unang Hulog. Unang narinig sa dulo ng ika-7 episode.
  6. 君を通して, Filipino: Sa Pamamagitan Mo

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Miyajima, Reiji [@Miyajimareiji] (Oktubre 29, 2017). "Kinou yoru yori Yūchūbu nite "Kanojo, Okarishimasu" TVCM koukai saretemasu! CV wa nanto Kazuya: Fukushima Jun-san Chizuru: Amamiya Sora-san desu! Jibun ga "KonoSuba" fanda to tsutaetara kon'na yume mitaina koto ni…!! Zehi goran ni natte kudasai" 昨日夜よりYouTubeにて「彼女、お借りします」TVCM公開されてます!CVはなんと 和也:福島潤さん 千鶴:雨宮天さん です! 自分が「このすば」ファンだと伝えたらこんな夢みたいなことに…!!是非ご覧になってください [Nilabas na sa YouTube ang patalastas sa TV ng "Kanojo, Okarishimasu" kagabi! Ang mga nagboses - Kazuya: Jun Fukushima at Chizuru: Sora Amamiya! Kung fan ka ng KonoSuba, mala-panaginip 'to...!! Panoorin po sana natin 'to] (Tweet) (sa wikang Hapones). Nakuha noong Nobyembre 5, 2020 – sa pamamagitan ni/ng Twitter.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 彼女、お借りします【公式】(Kanojo, Okarishimasu [Opisyal]) [@okarishimasu] (Hunyo 22, 2018). "["Utaite wa dare deshou?" PV seikai happyou] ↓ zenkai no hitori futayaku & chou hayakuchina, geki muzu PV ↓" 【「歌い手は誰でしょう?」PV正解発表】 ↓前回の一人二役&超早口な、激ムズPV↓ ["Sino ang kumanta? Anunsyo ng tamang sagot sa PV"↓ Nakaraang dalawahang pagganap & mabilisang pananalita, mabilisang PV↓] (Tweet) (sa wikang Hapones). Nakuha noong Nobyembre 5, 2020 – sa pamamagitan ni/ng Twitter.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 Loo, Egan (Disyembre 15, 2019). "Rent-A-Girlfriend Manga Gets TV Anime in July" [Magkakaroon ng TV anime ang mangang Rent-A-Girlfriend sa Hulyo]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 29, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 Luster, Joseph (Agosto 12, 2020). "Crunchyroll Lines Up Dub Plans for The God of High School, Re:ZERO Season 2, and More" [Crunchyroll, nilinya ang mga planong pag-dub sa The God of High School, ikalawang season ng Re:ZERO, at iba pa]. Crunchyroll (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 5, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Williams, Sarah Anne [@SarahAnneWillia] (Oktubre 2, 2020). "New character I voice: Ruka Sarashina in the english dub of Rent-a-Girlfriend, currently streaming on @Crunchyroll! Episode 6 of the dub just went up today!" [Bagong karakter na binosesan ko: si Ruka Sarashina mula sa Ingles na dub ng Rent-a-Girlfriend, kasalukuyang ini-stream sa @Crunchyroll! Kakalabas lang ng ika-6 na episode ngayong araw!] (Tweet) (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 5, 2020 – sa pamamagitan ni/ng Twitter.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. ""AKB49" Miyajima Reiji ga kaku,"rentaru" kara hajimaru rabukomedi shidō" 「AKB49」宮島礼吏が描く、“レンタル”から始まるラブコメディ始動 [Iginuhit ni Reiji Miyajima ng [mangang] "AKB49" ang isang romcom na nagsisimula sa "rental"]. Natalie (sa wikang Hapones). Hulyo 12, 2017. Nakuha noong Disyembre 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. ""Kanojo, Okarishimasu" kikan ichiran Kōdansha Komikku Purasu" 「彼女、お借りします」既刊一覧 講談社コミックプラス ["Kanojo, Okarishimasu" Talaan ng mga nailathalang Kodansha Comic Plus] (sa wikang Hapones). Kodansha. Nakuha noong Disyembre 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Pineda, Rafael Antonio (Hulyo 7, 2019). "Kodansha Licenses 6 New Manga, Acquires Saiyuki, Chobits, Clover" [Nakuha ng Kodansha ang lisensiya para sa 6 na bagong manga, nakuha ang Saiyuki, Chobits, [at] Clover]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Mateo, Alex (Hulyo 10, 2020). "Rent-A-Girlfriend Gets Manga Anthology on August 17" [Magkakaroon ng antolohiyang manga ang Rent-A-Girlfriend sa [darating na] Agosto 17]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Kanojo, Okarishimasu Kōshiki Ansorojī Komikku" 彼女、お借りします 公式アンソロジーコミック [Kanojo, Okarishimasu Ang Opisyal na Antolohiyang Komiks] (sa wikang Hapones). Kodansha. Nakuha noong Disyembre 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Hodgkins, Crystalyn (Hunyo 15, 2020). "Rent-A-Girlfriend Manga Gets Spinoff About Sumi" [Nakakuha ng isang spinoff patungkol kay Sumi ang Rent-A-Girlfriend]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. ""Kanojo, Hitomishirimasu" kikan ichiran Kōdansha Komikku Purasu" 「彼女、人見知ります」既刊一覧 講談社コミックプラス ["Kanojo, Hitomishirimasu" Talaan ng mga nailathalang Kodansha Comic Plus] (sa wikang Hapones). Kodansha. Nakuha noong Disyembre 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Loo, Egan (Marso 24, 2020). "Rent-A-Girlfriend Anime's New Ad Unveils More Cast, July 10 Premiere" [Ibinunyag ng bagong patalastas ng anime na Rent-A-Girlfriend ang karagdagang cast, premiere na Hulyo 10]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 29, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Endingu tēma gakkyoku "Kokuhaku Banjī Janpu" no jōhō ga kaikin!" エンディングテーマ楽曲「告白バンジージャンプ」の情報が解禁! [Inilantad na ang impormasyon patungkol sa pangwakas na tema "Kokuhaku Bungee Jump"!]. kanokari-official.com (sa wikang Hapones). Nakuha noong Disyembre 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Harding, Daryl (Agosto 23, 2020). "halca Gets Girlfriend Advice from Chizuru in Rent-a-Girlfriend TV Anime Chibi Short" [Nakakuha ng payong pangkasintahan si halca mula kay Chizuru sa chibi short ng TV anime na Rent-a-Girlfriend]. Crunchyroll (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Komatsu, Mikikazu (Setyembre 26, 2020). "Sora Amamiya to Digitally Release Rent-A-Girlfriend Final Episode Insert Song Tomorrow" [Ilalabas nang pa-digital ni Sora Amamiya ang isiningit na kanta ng panghuling episode ng Rent-A-Girlfriend bukas]. Crunchyroll (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 17.2 Hodgkins, Crystalyn (Hunyo 15, 2020). "Rent-A-Girlfriend Anime Listed With 12 Episodes" [Inilista ang anime na Rent-A-Girlfriend na may 12 episode]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 18.0 18.1 "ONAIR | TV anime "Kanojo, Okarishimasu" kōshiki saito" ONAIR | TVアニメ「彼女、お借りします」公式サイト [ONAIR | TV anime "Kanojo, Okarishimasu" Opisyal na Sayt]. kanokari-official.com (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 13, 2020. Nakuha noong Disyembre 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Luster, Joseph (Setyembre 25, 2020). "Rent-a-Girlfriend Season 2 Announced!" [Inanunsyo na ang Season 2 ng Rent-a-Girlfriend!]. Crunchyroll (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Mateo, Alex (Hunyo 10, 2020). "Crunchyroll to Stream Rent-A-Girlfriend Anime" [Ii-stream ng Crunchyroll ang anime ng Rent-A-Girlfriend]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Pineda, Rafael Antonio (Hulyo 27, 2020). "iQiyi Adds 7 Summer Anime for Southeast Asia" [Nagdagdag ng 7 anime sa tag-init ang iQiyi para sa Timog-Silangang Asya]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Sherman, Jennifer (Agosto 11, 2020). "Crunchyroll Announces English Dub Casts, August Premieres for Monster Girl Doctor, The God of High School, Rent-a-Girlfriend" [Inanunsyo ng Crunchyroll ang mga cast ng dub sa Ingles, premiere sa Agosto para sa [mga anime na] Monster Girl Doctor, The God of High School, Rent-a-Girlfriend]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Kanojo, Okarishimasu | MBS Animeismu" 彼女、お借りします | MBS動画イズム [Kanojo, Okarishimasu| MBS Animeism]. MBS (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 16, 2020. Nakuha noong Nobyembre 29, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.