Kapatiran ng mga Santong Katoliko
Ang Kapatiran ng mga Santo at Santang Katoliko (Confraternity of Catholic Saints) ay isang samahang Katoliko na binubuo ng mga kabataang konsagrado at nangangakong ipahayag ang Ebanghelyo ni Hesukristo at itaguyod ang kabanalan sa mga Katoliko sa pamamagitan ng buhay at mga gawain ng mga Katolikong Santo.[1]
Ang Confraternity of Catholic Saints (CCS) ay isang samahan ng mga kabataan sa Pilipinas, na itinatag noong taong 2003 at pangunahin nitong gawain ay ang papapahayag sa Ebanghelyo ni Hesukristo at pagtagayod ng kabanalan sa mga Katoliko sa pamamagitan ng buhay at mga gawain ng mga Katolikong Santo. Ang mga kasapi ay sumumpang magiging masunurin, tapat, at mamahalin ang Santo Papa Benedicto XVI at ang mga susunod sa kanya, sa lokal na pamunuang pansimbahan at sa mga batas ng Simbahang Romano Katoliko.[2]
Kasaysayan
baguhinItinatag noong Oktubre 1, 2003 ang Confraternity of Catholic Saints sa naunang pangalan nito na Ministry for the Promotion of Holy Men and Women sa Katolikong Diyosesis ng Cubao at sumumpang itaguyod ang mga bagong Santo at Santa ng Simbahang Katoliko. Sina Dave Ceasar Dela Cruz (Fra. Francis Teresa) at Lloyd Paul Eluaria (Fra. Bonaventure), parehong taga-Diyosesis ng Cubao, ang nagpasimuno sa pagkakatatag nito. At napalitan sa Confraternity of Catholic Saints noong Agosto 6, 2006. Ang pagtaguyod sa debosyon, ang pamumuhay at ispritwalidad ng mga Katolikong Santo ay ang misyon ng CCS.
Sa kasalukuyan, si Rev. Fr. Angelo Ma. S. Legal ng Orden ni San Benedicto ang nagsisilbing Ispiritwal na Director ng CCS.[3]
Opisyal na iniharap ni Fra. Dave Ceasar Dela Cruz, ang tagapagtatag ng CCS, ang liham at mga kinakailangan para sa paghiling ng isang Pagkilalang Pangdiyosesis mula sa Obispong Cubao, Most Rev. Honesto F. Ongtioco. D.D. noong Hulyo 24, 2007 sa oras na ikatlo ng hapon.
Sa kasalukuyan, ang CCS ay ang Opisyal na Tagapagtaguyod para sa Kanoninasyon ni Beato Juan Merz ng Crotia sa Pilipinas, ang Opisyal na Grupong-Tagapagtaguyod kay Beato Alberto Marvelli ng Italya sa Pilipinas, kinikilalang prayer group para sa Beatipikasyon at Kanonisasyon ng Alagad ng Diyos, Papa Juan Pablo II, at kinikilalang Tagapagtaguyod kay Santa Rita ng Cascia (sa pamamagitan ng Mother Abbess), Monasteryo ng Santa Rita de Cascia, Cascia, Italya sa Pilipinas.[4]
Binisita ni Fra. Dave Ceasar Dela Cruz, ang tagapagtatag at Director ng CCS, ang himlayan ni Beato Juan Merz noong Oktubre 2007. Sa pamamagitan ng kanyang paglalakbay sa Croatia kinilala ng Arsobispo ng Zagreb, Josip Cardinal Bozanic; ng Arsobispo ng Saravejo, Vinko Cardinal Puljik; at ng Obispo ng Banja Luka, Franjo Komarika ang CCS. Nagkaroon ng panayam ang Director sa Katolikong istastyon panradyo ng Croatia at pagkakataong magkaroon ng pakikipag-usap sa ilang kabataan ng Croatia.[5] Nailathala rin ang tungkol sa CCS sa mga pahayagan sa Croatia. Isa na rito ang magasin sa Croatia na may pangalang FOKUS[6].
Mga Gawain
baguhinAng mga gawain ng CCS ay[7]:
- Itaguyod ang debosyon sa buhay ng mga Santo at Santang kinikilala ng Simbahang Romano Katoliko sa pamamagitan ng Kanonisasyon, Beatipikasyon, at mga nakilala sa kanilang Kabayanihan, kasama na ang mga simbahang kumakabilang sa Roma.
- Tumulong sa mga parokya, kongregasyong pansimbahan at mga samahan na paunlarin ang kanilang debosyon sa kanilang sariling Santo (mga patron, mga tagapagtatag, at/o mga kasapi rin).
- Mangalaga sa mga relik ng mga Santo na pagmamay-ari ng mga kasapi ng CCS o ng Diyosesis.
- Magkaroon ng pampublikong pagpapakita at paggalang sa mga relic ng mga Santo sa mga parokya, mga pamayanan, mga paaralan, mga pagamutan, mga sambahayan, at mga opisina.
- Tulungan ang Simbahang Katolika na itigil ang mga paglapastangan sa mga relic ng mga Santo at isangguni ito sa mga pansimbahang kinauukulan.
- Magkaroon ng mga ispiritwal na gawain batay sa ispiritwalidad ng isang natatanging Santo sa pamamagitan ng mga seminar, mga rekoleksyon, mga retreats, mga paglalakbay, atbp.
- Pagdalaw sa mga maysakit at sa mga nangangailangan ng tulong pangispiritwal at ipagdasal sila sa pamamagitan ng tulong ng mga Santo.
Estruktura
baguhinNahahati sa dalawang grupo ang Confraternity of Catholic Saints: ang mga Frater (mga kalalakihang konsagrado at naninirahan sa Kalakhang Maynila at naglilingkod ng buong-buo sa CCS) at ang mga Cooperator (mga nagnanais na makatulong sa misyon ng CCS ngunit sila ay naninirahan sa labas ng Kalakhang Maynila[8]).
Tahasan pang nahahati sa Friends of Catholic Saints para sa mga kalalakihan at Daughters of Mary, Queen of All Saints para sa mga kababaihan ang grupo ng mga Cooperator.
May kabuuang na 12 ang mga opisyal bilang ng mga Frater at 50 pataas naman ang mga Cooperator sa loob at labas ng Pilipinas.
Herarkiya ng CCS
baguhinSi Fra. Dave Ceasar Ma. Dela Cruz o Fra. Francis Teresa, tagapagtatag ng CCS, ang kasalukuyang Director at Prime Guardian ng CCS. [9] Si Fra. Matthew Taleon o Fra. Joseph Pio, isang sakristan ng Parokya ng Transfiguration, Cubao, naman ang kasalukuyang Secretary General. Siya rin ang Development Coordinator. Si Fra. Roel San Miguel ang Pangalawang Secretary General.
Si Fra. John Felix Santos ang Taga-ingat yaman at pati rin ang Vicar-Custos ng mga Sagradong Relik at Research Coordinator. Si Fra. John Paolo Casal ang kasalukuyang Vocation Promoter. At ang Moderator ng Daughters of Mary, Queen of All Saints naman ay si Fra. Lloyd Paul Eluaria o Fra. Bonaventure at kasalukuyang Second Guardian ng CCS.[10]
Ang “Scholarship Fund ni Beato Juan Merz”
baguhinIsang programang pangkawang-gawang ng Confraternity of Catholic Saints na naglalayong makatulong sa mga mahihirap na kabataang makapagtapos ng Elementarya o Sekondarya ang “Scholarship Fund ni Beato Juan Merz[11] ,” na sinimulan noong Hunyo 2007. Si Nixon Delos Santos, 15 taong gulang, nasa ikatalong taon ng Sekondarya sa Juan Sumulong High School, Cubao, Quezon City ang pinakaunang iskolar ng Scholarship Fund na ito.
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ "The Confraternity of Catholic Saints Official Website Homepage (Accessed January 3, 2008)". Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 8, 2011. Nakuha noong Enero 26, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Confraternity of Catholic Saints Old Site Homepage (Accessed January 3, 2008)". Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 16, 2008. Nakuha noong Enero 26, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""CCS Spiritual Director," The CCS Old Site Blog (Accessed January 3, 2008)". Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 6, 2016. Nakuha noong Enero 26, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Confraternity of Catholic Saints Old Site Homepage (Accessed January 3, 2008)". Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 16, 2008. Nakuha noong Enero 26, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Catholic confraternity in Philippines promoting Blessed Ivan Merz," The Croatian World Network
- ↑ "Na Filipinima mladi bl. Ivana Merza," FOKUS Website (Accessed Januray 5, 2008)[patay na link]
- ↑ "The Confraternity of Catholic Saints Official Website Homepage(Accessed January 3, 2008)". Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 8, 2011. Nakuha noong Enero 26, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The CCS Cooperators," The CCS Official Website (Accessed January 3, 2008)[patay na link]
- ↑ Worship at the Transfiguration, Official Website of the Liturgical Affairs of the Parish of the Transfiguration of Our Lord, Diocese of Cubao (Accessed January 3, 2008)[patay na link]
- ↑ ""Appointment," The CCS Old Site Blog (Accessed January 3, 2008)". Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 5, 2016. Nakuha noong Enero 26, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Knowing the first scholar of Blessed Ivan," The CCS Official Website (Accessed January 3, 2008) [patay na link]