Kapatirang Scout ng Pilipinas

Ang Kapatirang Scout ng Pilipinas (Ingles: Boy Scouts of the Philippines; dinadaglat bilang BSP) ay ang pambansang asosasyon ng mga kalalakihang scout sa Pilipinas. Ito ay nabuo sa bisa ng Philippine Commonwealth Act No. 111 na isinulong noong Oktubre 31, 1936. Ang kasalukuyang asosasyon ay nagmula sa Philippine Council na pinangasiwaan ng Boy Scouts of America.

Ang BSP ay mayroong mga sumusunod na programa:

  • KID Scout (Kabataang Imumulat Diwa), para sa edad 5 hanggang 6.
  • KAB Scout (Kabataang Alay sa Bayan), para sa edad 7 hanggang 10.
  • Boy Scout, para sa edad 10 hanggang 13.
  • Senior Scout, para sa edad 13 hanggang 15.
  • Rover Scout, para sa edad 16 hanggang 23. Maaring salihan ng mga kababaihan.

Kasaysayan

baguhin

Ang kasaysayan ng Scouting sa Pilipinas ay nagsisimula sa 1914 noong binuo ang Lorillard Spencer Troop sa Zamboanga ni Lieutenant Sherman Kiser, isang Amerikanong miyembro ng U.S. Navy. Si Kiser ang bumuo ng Lorillard Spencer troop at ang nakaisip at nagbuo nito ay si Ms. Caroline S. Spencer dahil naalala niya ang anak niyang si Lorillard Spencer Jr. kaya ito ang ipinangalan niya. Ang anak ni Caroline na si Lorillard Spencer ay isang Boy Scout sa Amerika, at naibahagi ni Ginang Spencer na malaki ang maitutulong ng Scouting sa mga kabataan sa Sulu. Sa pamamagitan nitong usapan naisipan ni Kiser na bumuo ng isang troop sa tulong ni Ginang Spencer, pero nalipat ang assignment ni Kiser sa Zamboanga bago natupad ang kanyang mga ipinaplano. Bagamat nalipat si Kiser sa Zamboanga, itinuloy niya ang bagbuo ng troop. At nang mabuo ito, binalitaan niya si Ginang Spencer na agad-agad nagbigay ng pera upang makabili ng mga uniporme at makapagpatayo ng headquarters.

1923, nabuo ng Philippine Council, BSA sa pamamagitan ng pagsulat ng Rotary Club ng Maynila.

Sanggunian

baguhin