Ang kapeng Amerikano (kilala rin bilang Amerikano; Italyano: Caffè Americano; Kastila: café americano) ay isang uri ng inuming kape na inihahanda sa pamamagitan ng pagbabanto ng ekspreso sa mainit na tubig, na nagbibigay ng kaparehong-tapang sa, ngunit ibang lasa mula sa, tradisyonal na nilagang kape. Nag-iiba ang tapang ng Amerikano ayon sa bilang ng mga tagay ng ekspreso at ang dami ng idinagdag na tubig.

Kapeng Amerikano
A Caffè Americano
Ibang tawagCaffè Americano, Long Black
UriInumin
Rehiyon o bansaEstados Unidos
Pangunahing Sangkapmainit na tubig at ekspreso

Sa Italya, ang caffè americano ay maaaring tumukoy sa ekspreso na may mainit na tubig o sinalang kape (caffè all'americana).

Pinagmulan

baguhin

Sa wikang Ingles, nagmula ang Amerikano sa Amerikanong Kastila, na pinetsang dekada 1970,[1] o mula sa Italya.[2] Ang partikula na terminong "caffè Americano" ay Italyano para sa "Kapeng Amerikano".[3] Mayroong sikat, ngunit di-kumpirmadong paniniwala na nagmula ang pangalan sa Ika-2 Digmaang Pandaigdig noong ipinambanto ang mainit na tubig sa ekspreso ng mga Amerikanong G.I. sa Italya upang matantya ang kape na kinasanyan nila.[4][5]

Bago nito, sa kanyang 1928 nobelang Ashenden: Or the British Agent, pina-order at pinainom ni Somerset Maugham ang kanyang protagonista ng tinatawag na americano sa Napoles noong Ika-1 Digmaang Pandaigdig, ngunit walang sapat na impormasyon upang matiyak kung iyon din ang parehong inumin.[6]

Paghahanda

baguhin

Binubuo ang inumin ng isa o dalawang tagay ng ekspresong nilaga na may idinagdag na tubig. Karaniwan sa UK (at sa Italya) sa pagitan ng 1 at 16 imperyong likido-onsa (28 at 455 ml) ng mainit na tubig ang dinaragdag sa dobleng ekspreso.[7]

Ang Long Black ay terminong Australasyano para sa inumin na katulad ng Amerikano (kabaligtaran ng Short Black para sa ekspreso), na may diin na inilalagay sa kaayusan ng paghahanda, pagdaragdag ng tubig sa tasa muna bago ibuhos ang ekspreso sa ibabaw.[8]

Paminsan-minsan, ginagamit ang salitang Italiano sa Kanlurang Estados Unidos, at tumutukoy ito sa isang maikling Amerikano, lalo na kung 1:1 ang taway ng ekspreso/tubig.[9]

 
Ang Kapeng Amerikano ay nilagang kape sa Pilipinas.

Paggamit

baguhin

Ang pinakakaraniwang paggamit ng Amerikano ay kapag may bumibili ng inumin na kasinglaki ng nilagang kape mula sa isang ekspresuhan.

Ang mga Amerikano—lalo na ang mga Amerikanong maiikli at mala-long black—ay ginagamit rin sa paghahanda ukol sa artisanong ekspreso para sa mga butil na yumayari ng matapang na ekspreso. Ito ay lalong ginagamit para sa ekspresong iisang pinagmulan, kung saan natatapanggan ang marami sa mga di-binantong tagay ng ekspreso; at sa mas magaan na kape at sangag na di-karaniwang naiuugnay sa ekspreso, tulad ng mga butil mula sa Etiopia o Sumatra. Para sa paghahanda nito, karaniwang ginagamit ang tagway ng 1:1 ekspreso sa tubig, upang maiwasan ang labis na pagbabanto, na direktang binubuhos ang ekspreso sa isang tasang may tubig na upang mabawasan ang pagkagambala sa krema.

Mga uri

baguhin

Ang amerikanong may-yelo (Ingles: iced americano) ay ginagawa sa pamamagitan ng paghalo ng ekspreso sa malamig na tubig sa halip ng mainit na tubig. Ang lungo ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkatas ng tagay ng ekspreso nang mas matagal na nakabibigay ng mas marami, ngunit nagkakaroon din ng kaunting pait. Ang kapeng krema (Ingles: caffè crema) ay ginagawa rin sa pamamagitan ng pagkatas ng isang tagay ng ekspreso nang mas matagal kaysa sa lungo. Ang red eye ay ginagawa gamit ang kapeng patak (Ingles: iced americano) sa halip ng mainit na tubig, at maaaring tawagin na shot in the dark.

Pulitika

baguhin

Noong 2016, nakipagbiro at nagmungkahi ang punong ministro ng Rusya na si Dmitry Medvedev na 'palitan' sa Rusyano ang pangalan ng estilo ng kape kasunod ng pagkasira ng relasyon sa Estados Unidos. Kahit nakakatawa ang panukala, napatupad ito sa isa sa mga kapihan sa Mosku.[10]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Americano". Oxford Dictionary of English. 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 7, 2013. Nakuha noong Disyembre 3, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Americano". Collins English Dictionary. 2014. Nakuha noong Marso 22, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Allerton, David J. (2010). I Only Have a Kitchen Because It Came with the House. The Foodies Handbook. p. 26. Nakuha noong Oktubre 19, 2014. An espresso coffee diluted with hot water and containing no milk. An Italian term literally meaning 'American coffee'{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Coyle, Cleo (2009). Holiday Grind - a coffeehouse mystery. Berkley Publishing Group. p. 228. Nakuha noong Nobyembre 2, 2016. caffe Americano, Americano—The Italian answer to American-style drip coffee. An espresso diluted with hot water. It has a similar strength to drip coffee but a different flavor. The drink's origin dates back to World War II when American GIs stationed in Italy added hot water to their espressos to create a drink closer to the type of coffee they were used to back home.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Americano Coffee - What is Americano coffee and how do I make it". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-08-29. Nakuha noong 2020-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Maugham, W. Somerset (1928). "6. The Greek". Ashenden: Or the British Agent. Then he took a fly drawn by a small and scraggy pony and rattled back over the stones to the Galleria, where he sat in the cool and drank an americano and looked at the people who loitered there...{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Menu: Starbucks Coffee Company".
  8. "perthcoffeeproject.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-02-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Espresso: Questions and Answers – Italiano drink order Naka-arkibo 2011-07-08 sa Wayback Machine., 2005, Portland, OR; Regional: United States West – espresso profeta in westwood? Naka-arkibo 2011-07-08 sa Wayback Machine., Los Angeles, CA, 2009
  10. https://www.bbc.com/news/blogs-news-from-elsewhere-38013931

Mga kawing panlabas

baguhin