Pagkakapon

(Idinirekta mula sa Kapon)

Ang pagkakapon o kastrasyon(lalake) o pagtatali(babae) (Ingles: castration) ay anumang gawain na siruhikal o kemikal kung saan ang isang indibidwal ay inaalisan ng kakayang magparaming seksuwal. Bagaman, ito ay karaniwan sa mga lalaki, ito ay maaari ring tumukoy sa mga gawaing nag-aalis ng tungkulin ng obaryo sa babae. Sa lalaki, ang basektomiya ay tumutukoy sa pag-aalis ng lahat o bahagi ng vas deferens upang maiwasan ang pagpaparami samantalang ang pag-aalis ng testikulo(orkiektomiya o orkidektomiya) ay nag-aalis sa testikulo na nag-aalis sa paglikha ng testosterone. Ang testosterone ay responsable sa pagpapagana ng mga reseptor ng androheno sa selula ng tao mapababae man o lalaki. Ang mga estroheno at uri nito ay responsable sa pagpapagana ng mga reseptor ng estroheno sa parehong kasarian. Ang mga babae ay lumilikha rin ng testosterone sa obaryo bagaman sa maliit na halaga at ang mga lalake ay natural ring lumilikha ng estrogen. Ang testosterone at estrogen ay parehong responsable sa ikalawang katangiang pangkasarian sa parehong kasarian.

Ang kastrasyon sa mga lalaki ay maaaring isagawa sa dalawang paraan: ang surhikal na pag-aalis ng testikulo[1] o pag-inom ng kemikal na antiandrogen na nagpipigil sa paggana ng mga reseptor ng androheno sa katawan ng isang lalaki. Ang pagkakapon ay iba sa basektomiya.

Ang mga lalaking kinapon noong sinaunang panahon ay tinatawag na mga eunuko, o bating (Ingles: castrated, eunuch, bigkas: /yu-nok/; Kastila: eunuco) Ito ay mga lalaking pisikal na inalisan ng testikulo ng bayag. Sa sinaunang panahon, ang mga eunukio ay naging mahahalagang mga opisyal sa mga korte ng sinaunang mga hari.

Mga uri

baguhin
  • Pisikal na pagkakapon: Ito ay siruhikal na pag-aalis ng mga testikulo sa bayag ng lalaki. Ito ay karaniwang tinatawag na orchiectomy o orchidectomy. Ito ay minsan kinakailangan kung ang kanser sa testikulo ay pinagsususpetsahang umiiral. Ang resulta ng pagkakapong ito ay pagkawala ng kakayahan sa mga lalake na makalikha ng sapat na hormone na testosterone na pangunahing inilalabas sa testikulo bagaman ang testosterone ay inilalabas rin sa maliit na halaga sa mga glandulang adrenal sa parehong mga babae at lalake gayundin din sa mga obaryo ng babae. Ang testosterone ay responsable sa pagpapagana ng reseptor ng androheno sa tisyu at responsable sa paglikha ng mga katangiang panlalaki gaya ng pagkakaroon ng mababang boses, alopecia (pagkakalbo) at pagkakaroon ng mga masel.
  • Kemikal na pagkakapon: Ito ang paraan ng pagkakapon gamit ang mga kemikal na tinatawag na antiandrogen na pumipigil sa pagpapagana ng reseptor ng androheno.

Mga gamit

baguhin
  • Ang pagkakapon ay ginagawa upang alisin ang katangiang panlalake sa mga lalakeng may medikal na karamdamang transekswalismo. Ito ay tumutukoy sa mga indbidwal na ipinanganak na lalake ngunit may identidad ng babae. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-inom ng antiandrogen o pag-aalis ng testistikulo sa pagpapalit ng kasarian (sex change).
  • Sa sistemang kriminal sa Estados Unidos at iba pang bansa, ang kemikal na pagkakapon gamit ang mga antiandrogen ay ginagamit upang mabawasan ang libido(libog) ng mga nanghahalay ng mga kabataan (sex offenders).
  • Ang kemikal na pagkakapon ay ginagamit upang pigilan ang paglago ng kanser sa prostate.
  • Ang kemikal na pagkakapon ay ginagamit sa mga babae upang bawasan ang mga epekto ng labis na testosterone nito sa katawan na inilalabas sa mga obaryo o glandulang adrenal nito. Kabilang sa mga epektong ng testosterone sa mga babae ang seborrhea, alopecia(pagkakalbo), amenorrhea (kawalan ng regla), hirsutismo (labis na buhok sa mukha o katawan), at hidradenitis suppurativa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Castration" at "orchidectomy". Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 556 at 564.