Ang kapusukan (mula sa salitang-ugat na pusok), na tinatawag ding pasyon (damdamin), bugso ng damdamin, ningas ng kalooban, kapangahasan, init ng damdamin, o kabiglaanan ng damdamin (Ingles: ardency, ardor, fervor, temerity, fieriness, hotness, violence, impetuosity, vehemence, impulsiveness, incontinence, o rashness) ay isang katagang inilalapat o ginagamit upang ilarawan ang napaka malubha o masidhing damdamin hinggil sa isang tao o bagay. Ang pasyon, na nagmula sa Sinaunang wikang Griyegong pandiwa na πάσχω (paskho) na may ibig sabihing "maghirap", ay isa ring marubdob na damdamin, o makabagbag-damdaming saloobin (kaloobang pangdamdamin), kasigasigan (entusiyasmo), o pithaya (hangarin, lunggati, pita, o pagnanais ng damdamin) para sa isang bagay. Ang kataga ay madalas ding ginagamit para sa paglalarawan ng isang masigla o masigasig na pagkagusto o pagkawili sa o paghanga (admirasyon) para sa isang alok o mungkahi, layunin, o gawain, o pag-ibig, hanggang sa pagkadama ng hindi pangkaraniwang kasiglahan o katuwaan, masigasig o makabagbag-damdaming kalooban, na isang positibong ugnayan o pagmamahalan, na inilalaan para sa isang paksa, ideya, tao o persona, o bagay. Partikular itong ginagamit sa diwa ng romansa o seksuwal na pagnanais, bagaman pangkalahatan itong nagpapahiwatig ng isang mas malalim o mas malawak at mas masaklaw na uri ng emosyon kaysa sa ipinahihiwatig ng katagang kalibugan.

Tingnan din