Karl Mauch
Si Karl Gottlieb Mauch (7 Mayo 1837 - Abril 4, 1875) ay isang eksplorador na Aleman at heograpo ng Africa. Iniulat niya ang tungkol sa arkeolohikal na lugar ng Dakilang Zimbabwe noong 1871 sa panahon ng kanyang paghahanap para sa lupaing Ophir na isang lugar na binaggit sa bibliya.
Karl Gottlieb Mauch | |
---|---|
Kapanganakan | 7 Mayo 1837 |
Kamatayan | 4 Abril 1875 | (edad 37)
Nasyonalidad | Aleman |
Mamamayan | Aleman |
Kilala sa | pagdokumento sa Dakilang Zimbabwe |
Karera sa agham | |
Larangan | Eksplorador |
Pagtuklas sa Dakilang Zimbabwe
baguhinNoong 1871, nakarating si Mauch sa lugar ng mga na-gibang bato na kilala ngayon bilang ang Dakilang Zimbabwe, limang taon matapos matuklasan ang mga unang minahan ng ginto sa Transvaal . Naniniwala si Mauch na ang lugar na ito ay ang labi ng nawawalang biblikal na lungsod ng Ophir, na inilarawan bilang ang pinagmulan ng ginto na ibinigay ng Reyna ng Saba kay Haring Solomon . Hindi siya naniniwala na ang mga istruktura ay maaaring naitayo ng isang dating lokal na populasyon na katulad ng mga naninirahan sa lugar sa panahon ng kanyang paghuhukay, kaya pinilit niya ang kanyang mga kaalaman sa pagsasaliksik. Ang karagdagang pananaliksik sa lugar (kasama ang isa sa mga unang paggamit ng paglipad sa arkeolohiya ) ay naglalarawan na ang mga istruktura ay mayroong mga katangiang nagmumula talaga sa Africa.
Dahil sa tanyag na etnocentrism noong ika-19 na siglo, si Mauch at ang kanyang mga kasama ay lubos na pinuna ng mga kasalukuyang arkeologo dahil sa kanilang mga pagpapalagay tungkol sa natuklasang lugar. Ang kinalalagyan ng Dakilang Zimbabwe ay itinuturing na itinayo ng mga ninuno ng mga Shona sa pagitan ng ika-11 at ika-15 siglo CE.[1]
Namatay si Mauch dahil nahulog siya mula sa bintana ng ikatlong palapag ng hotel kung saan siya nakatira. Hindi sigurado kung ang kamatayan niya ay aksidente o sinadya.[2]
Tingnan din
baguhinMga Sanggunian
baguhinBibliograpiya
baguhin- Maquet, Jacques. (1972). Mga Kabihasnan ng Itim na Africa . New York. Oxford university press.ISBN 0-19-501464-2ISBN 0-19-501464-2
Mga panlabas na kawingan
baguhin- Mga midyang may kaugynayan sa Karl Mauch sa Wikimedia Commons</img>