Si Karma (ipinanganak 6 Hunyo 1990[1]) ay isang taga-Bhutan na rekurbadong arkero mula sa Trashiyangtse sa silangang Bhutan at nakatira sa Thimphu na nasa Bhutan din.[2]

Karma
Personal na impormasyon
Kapanganakan (1990-06-06) 6 Hunyo 1990 (edad 34)
Tangkad163 cm (5 tal 4 pul)[1]
Timbang51 kg (112 lb)[1]
Isport
Bansa Bhutan
IsportPamamana
Kaganapanrekurbado
Binago noong 10 Setyembre 2015.

Karera

baguhin

Tulad ng ibang Bhutanes, isang mononimong tao si Karma na mayroon lamang isang pangalan.[3] Dahil sa pagkahilig sa palakasan, pinasok ni Karma ang mundo ng pamamana noong Abril 2009.[3] Naging mananakbo sana siya kung hindi nauna siyang napasali sa pamamana.[3] Una siyang lumabas upang nakipagkompetisyon sa internasyunal na larangan noong 2012[2] at noong 2018, nakasali na siya sa higit sa walong kaganapang internasyunal upang makipagkompetensiya.[4]

Nakipagkompetensiya siya sa indibiduwal na rekurbadong kaganapan at sa koponang rekurbadong kaganapan noong 2013 at 2015 na Kampeonato ng Pamamana sa Mundo sa Copenhagen, Denmark at kinatawan niya ang Bhutan sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2016 sa Rio de Janeiro[5] bilang wildcard.[6] Sa unang yugto, natalo siya ni Tuiana Dashidorzhieva ng Rusya.[7] Si Karma ang tagahawak ng watawat para sa Bhutan noong Parada ng mga Bansa sa Olimpiko sa Rio de Janeiro.[8]

Nakasali si Karma sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020 noong 2021 sa Tokyo at muling naging tagahawak ng watawat para sa Bhutan noong Parada ng mga Bansa sa panahon ng pambungad na seremonya. Siya rin ang kauna-unahang atleta sa Bhutan na nakakuha ng puwesto sa sistemang alokasyong kota ng Olimpiko sa kahit anumang palakasan[9] at unang babae mula sa Bhutan na pumasa para sa mga laro.[6] Habang nagsasanay para sa Olimpiko sa Tokyo noong Mayo 2021, nakamit ni Karma ang isang uri ng pagpana na tinatawag na "Robin Hood," na isang palaso na pinana sa isa pang palaso na naroon na sa target, na hinahati ito, tulad ng kinukuwento sa mga istorya ng malaalamat na si Robin Hood.[10] Ang posibilidad na makagawa ng ganoong uri ng pagpana ay 1 sa 3,000.[10]

Nagkaroon siya ng puwesto sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020 sa Tokyo pagkatapos maging kuwalipikado sa pamamagitan ng kampeonatong Asyano noong 2018[11] sa Bangkok, Thailand.[12] Sa kalaunan, natapos ang kanyang paglalakbay sa Olimpiko sa Tokyo nang natalo siya kay Deepika Kumari ng India sa iskor na 6-0 sa yugto ng 64.[13] Sa kabila ng kanyang pagkatalo kay Kumari, nasiyahan siya sa pagbibigay ng kanyang pinakamahusay at sinabi na ang pagiging kuwalipikado niya sa Olimpiko sa Tokyo ang pinakamalaki niyang pangarap at gayon din bilang tagumpay para sa kanyang bansa.[14]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 "Karma" (sa wikang Ingles). Bhutan Archery Federation. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 21 Agosto 2016. Nakuha noong 12 Agosto 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Karma". World Archery (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-11-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Stanley, John (5 Agosto 2016). "For Bhutan, Rio Hopes Rest With Karma (Literally)". Archery 360 (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 23 Septiyembre 2016. Nakuha noong 12 August 2016. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  4. "Bhutanese athletes gear up for 18th Asian Games 2018 – Business Bhutan" (sa wikang Ingles). 2018-08-15. Nakuha noong 2021-11-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. "2015 World Archery Championships: Entries by country" (PDF) (sa wikang Ingles). ianseo.net. pp. 7–18. Nakuha noong 26 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "How Karma's helping raise the Gross National Happiness for Bhutan". Olympics.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-11-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Rio 2016". Rio 2016 (sa wikang Ingles). Organizing Committee of the Olympic and Paralympic Games Rio 2016. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 26 Agosto 2016. Nakuha noong 2016-08-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "The Flagbearers for the Rio 2016 Opening Ceremony". Olympic.org (sa wikang Ingles). International Olympic Committee. 2016-08-16. Nakuha noong 2016-08-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Basu, Hindol (2021-07-24). "Archery Olympic Games Tokyo 2020: Bhutan's archer Karma waits to challenge Deepika Kumari | Tokyo Olympics News - Times of India". The Times of India (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-11-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  10. 10.0 10.1 "OCA » Bhutan archer Karma shoots a rare 'Robin Hood' on road to Tokyo 2020". www.ocasia.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2021-11-20. Nakuha noong 2021-11-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Agarwal, Kalptaru (2021-07-23). "Meet Karma — Bhutan's first archer to qualify through Olympics quota". thebridge.in (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-11-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Karma becomes the first athletes to qualify for an Olympic quota place - Bhutan Olympic Committee". bhutanolympiccommittee.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-11-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Tokyo Olympics archery: Deepika Kumari progresses to women's individual Round of 16". Olympics.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-11-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Karma reflects on Olympic milestone for Bhutan archery". World Archery (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-11-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)