Katas ng puke
Ang Katas mula sa ari ng babae (Ingles: Vaginal discharge) ay isang katagang pantawag sa mga pluwidong pambiyolohiya na nasa nilalaman sa loob o iniluluwa mula sa puke. Habang ang karamihan sa mga sekresyon ng puke ay normal o karaniwan at nagpapahayag ng samu't saring mga yugto ng panahunan ng isang babae, ang ilang mga tulo ng puke ay maaaring resulta ng isang impeksiyon, katulad ng isang sakit na nakukuha mula pagtatalik.
Katas ng puke | |
---|---|
Klasipikasyon at panlabas na mga pinanggalingan | |
DiseasesDB | 28137 |
MedlinePlus | 003158 |
MeSH | D019522 |
Halimbawa | Tampok na mga katangian | Mga tala |
---|---|---|
Umiinog (may siklo) | Makapal at maputi, walang amoy | Nagaganap sa simula at wakas ng isang ikot at normal ito. |
Obulasyon | Malinaw at nababanat | Nagaganap sa panahon ng obulasyon. |
Candidiasis | Makapal, maputi, parang kusilyo (kesong puti) | 'Impeksiyon ng lebaduro' (malinab). Namamagang sipit-sipitan. |
Trichomoniasis | Marami, lunti, mabula | |
Gonorrhoea | Makremang puti o dilaw, walang amoy | |
Chlamydia | May nana, mabaho | |
Bakteryal na bahinosis | Manipis, abo o lunti, malansang parang amoy ng isda. |
Ang katawagang blennorrhea ay kadalasang ginagamit upang tukuyin ang mga katas na uhog (mukus) mula sa lagusan ng ihi (urethra) o puke,[1] habang ang blennorrhagia ay tumutukoy sa kalabisan o kasobrahan ng ganyang mga tulo mula sa puke o lagusan ng ihi,[2] na kadalasang tumutukoy sa nakikita sa gonorea.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ thefreedictionary.com/blennorrhea, mga pagbanggit mula sa:
- Dorland's Medical Dictionary for Health Consumers. Karapatang-ari 2007
- The American Heritage® Medical Dictionary. Karapatang-ari 2007
- ↑ thefreedictionary.com/blennorrhagia, mga pagbanggit mula sa:
- McGraw-Hill Dictionary of Scientific & Technical Terms, 6E, Karapatang-ari 2003