Katedral ng Mabuting Pastol

Ang Katedral ng Mabuting Pastol ay ang pinakamatandang simbahan ng Katoliko Romano sa Singapore.[2] Matatagpuan ito sa Museum Planning Area sa loob ng Distritng Sibiko.

Katedral ng Mabuting Pastol
Katedral ng Mabuting Pastol is located in 新加坡
Katedral ng Mabuting Pastol
Katedral ng Mabuting Pastol
1°17′45″N 103°51′05″E / 1.29596°N 103.85131°E / 1.29596; 103.85131
LokasyonA Queen Street, Singapore 188533
BansaSingapore
DenominasyonKatoliko Romano
Websaytcathedral.catholic.sg
Kasaysayan
Itinatag1832; 192 taon ang nakalipas (1832) (parish)
NagtatagSamahang Banyagang Misyon ng Paris
DedikasyonMabuting Pastol
Consecrated14 Pebrero 1897; 127 taon na'ng nakalipas (1897-02-14)
Mga relikaSan Laurent Imbert
Arkitektura
EstadoKatedral
Katayuang gumaganaAktibo
ArkitektoDenis Lesley McSwiney
IstiloMahigpit na Neorenasimiyento
Taong itinayo1844-1847
Pasinaya sa pagpapatayo1844; 180 taon ang nakalipas (1844)
Natapos6 Hunyo 1847; 177 taon na'ng nakalipas (1847-06-06)
Detalye
Number of spires1
Pamamahala
ArkidiyosesisSingapore
Klero
ArsobispoMost Rev William Goh Seng Chye
RektorRev P. Jude David
AssistantRev Msgr Francis Lau Fr Samuel Lim Fr Brian D'Souza
Laity
Reader(s)Anne Kingsley-Lee[1]
Padron:Infobox historic site

Matatagpuan ng kahilera ng mga kalyeng Queen at Victoria, at Daang Bras Basah, ang Katedral ay matatagpuan sa loob ng malilim na pook. Karamihan sa arkitektura nito ay nakapagpapaalala ng dalawang tanyag na simbahan sa Londres na San Pablo, Halamanang Covent at San Martin-sa-Kaparangan.

Ang Katedral ng Mabuting Pastol ay ang simbahang katedral ng Katoliko Romanong Arkidiyosesis ng Singapore at ang luklukan ng arsobispo nito. Ito ang huling hantungan ni Obispo Edouard Gasnier, ang unang obispo ng muling binuhay na Diyosesis ng Malacca at nakalagak dito ang mga relikya ni San Laurent-Marie-Joseph Imbert, na kung kanino kinuha ang pangalan din ng Katedral.

Kasaysayan

baguhin

Kapilya

baguhin

Sa simula, ang pamayanang Romano Katoliko sa Singapore ay dumadalo sa Misa sa bahay ni Denis Lesley McSwiney.

Noong 1832, nagsimula ang pagtatayo sa unang permanenteng bahay sambahan para sa mga Katoliko Romano ng Singapore. Pinondohan sa pamamagitan ng mga pampublikong pangangalap, ang kapilya, na nakumpleto noong 1833, ay isang maliit na estruktura ng kahoy na sasap na may sukat na 60 talampakan ang haba at 30 talampakan ang lapad na nagkakahalaga ng halos 700 dolyar na Espanyol upang maitayo. Ang kapilya, na walang tore o taluktok, ay nasa lugar ng dating mga gusali ng Institusyong San Jose, na sakop ngayon ng Museong Pansining ng Singapore, at inilaan ng Resident Councilor, George Bonham kay Padre Jean-Baptiste Boucho, isang misyonerong Pranses na galing sa Penang. Matatagpuan ito sa Bayang Europeo, isang lugar na minarkahan sa plano ng bayan ni Sir Stamford Raffles noong 1822 bilang isang lugar ng tirahan para sa mga Europeo, Eurasiano, at mayayamang Asyano.

Simbahan ng Mabuting Pastol

baguhin

Sa pagtatapos ng 1830s, ang kapilya ay naging napakaliit. Si Obispo Jean-Paul-Hilaire-Michel Courvezy, Vicar Apostolic ng Siam, ay isinasaalang-alang palawakin ang kapilya ngunit kinumbinsi ng bagong dating Kura Paroko na si Padre Jean-Marie Beurel, na panatilihin ang lugar para sa isang paaralan at magtayo ng simbahan sa ibang lugar. Ang Gobernador, si George Bonham, ay nag-alok ng isang lugar sa mga dalisdis ng Burol Gobyerno, na ngayon ay Muog Canning, ngunit ito ay tinanggihan ng Obispo. Ang pangalawang alok ng lupa ay isang lugar sa hanggahan ng Kalye Victoria, Daang Bras Basah, at Kalye Queen, na madaling matatagpuan malapit sa iminungkahing paaralan, na kalaunan ay magiging Dating Institusyong San Jose. Ang pook na ito ay tinanggap.

Noong 1840, nagsimula ang isang pangangalap kung saan nag-ambag si Reyna Marie-Amélie Thérèse ng Pransiya ng 4,000 franc at ang Arsobispo ng Maynila ng halos 3,000 Espanyol na dolyar. Ang Agrimensor ng Pamahalaan, na si John Turnbull Thomson, ang naghanda ng unang disenyo para sa simbahan, ngunit ito ay itinuturing na masyadong mahal itayo at mahirap panatilihin. Ang disenyo na tinanggap ay iyong mula kay Denis Lesley McSwiney, isang disenyo na sinasabing malaki ang pagkakautang sa orihinal na Simbahan ni San Andres ni George Drumgoole Coleman. Noong 18 Hunyo 1843, ang batong pampundasyon para sa simbahan ay pinagpala ni Obispo Jean-Paul-Hilaire-Michel Courvezy, Apostolikong Vicariato ng Malacca-Singapore, at inilatag ni John Connolly, isang mangangalakal. Noong 1847, isang kampanatyo ang naidagdag. Idinisenyo ito ni Charles Andrew Dyce na nagmomodelo sa disenyo ni John Turnbull Thomson para sa kampanaryo na idinagdag sa Simbahan ni San Andres.

Noong Hunyo 6, 1847, ang natapos na simbahan ay binasbasan at binuksan ni Padre Jean-Marie Beurel. Ang kabuuang pagbabayad ay umabot sa 18,355.22 Espanyol na dolyar.

Katedral ng Mabuting Pastol

baguhin

Noong 1888, ang simbahan ay iniangat sa katayuan ng katedral nang muling buhayin ang Diyosesis ng Malacca. Si Obispo Edouard Gasnier, ang unang obispo ng muling nabuhay na Diyosesis ng Malacca ay namatay noong 1896 at inilibing sa katedral. Ang kahalili niya, si Obispo René-Michel-Marie Fée, ay ang unang obispong isinakonsagrado sa katedral noong 1896. Kahit na ang simbahan ay iniangat sa katayuan ng katedral noong 1888, ang seremonya ng konsagrasyon ay isinagawa lamang noong Pebrero 14, 1897 nang sa wakas ay mabayaran ng katedral ang mga utang na naipon mula sa pagpapalawak ng nabe noong 1888. Ang mga pagpapabuti ay unti-unting nagawa sa katedral. Ang maliit na pader, mga haligi ng tarangkahan, at mga pandekorasyon sa hinulmang aserong tarangkahan at barandilya sa paligid ng bakuran ay nakumpleto noong 1908. Ang Organo sa Galeriya ay inilagay noong 1912, habang ang pag-iilaw ng kuryente ay dumating noong 1913 at mga electric fan noong 1914.

Sa panahon ng pagsalakay sa Singapore noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Katedral ay ginamit bilang isang ospital pangkagipitan.

Ang Katedral ng Mabuting Pastol ay itinalaga bilang isang pambansang bantayog noong Hunyo 28, 1973.

isinailalim ang Cathedral para sa isang pangunahing panunumbalik ng estruktura mula 2013 hanggang 2016 upang matugunan ang mga depekto sa estruktura na nagresulta mula sa mga bagong itinatayo na nakapalibot dito. Itinayo ang isang bagong gusali ng silong para suportahan ang iba't ibang gawain. Ang gastos sa pagpapanumbalik ay nagkakahalagang $42 milyong Singapore na dolyar.

 
Tanaw ng nabe pagkatapos ng pagpapanumbalik ng 2016. Ang dambana ay binago, ang cathedra ay ibinalik sa pre-1960 na muling pagsasaayos ng santuwaryo at isang bagong riles sa altar upang tumugma sa bagong istilo ng santuwaryo ang ikinabit.
 
Saint Laurent-Marie-Joseph Imbert.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-22. Nakuha noong 2020-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "History of the Cathedral of the Good Shepherd". The Roman Catholic Archdiocese of Singapore. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Agosto 2016. Nakuha noong 18 Hulyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Norman Edwards, Peter Keys (1988), Singapore - Isang Gabay sa Mga Gusali, Kalye, Lugar, Times Books International,ISBN 9971-65-231-5
  • Gretchen Liu (1996), Sa Granite at Chunam - Ang Pambansang Monumento ng Singapore, Mga Landmark Book,ISBN 981-3065-03-6
  • Lee Geok Boi (2002), Mga Pananampalataya ng Ating mga ninuno - Ang Mga Relasyong Monumento ng Singapore, Mga Landmark Book,ISBN 981-3065-62-1
  • Eugene Wijeysingha (2006), Pagpapatuloy . . . - Ang Simbahang Katoliko sa Singapore 1819-2004 , Titular Roman Katoliko Arsobispo ng Singapore,ISBN 981-05-5703-5
baguhin