Katedral ng Se
Ang Sé Catedral de Santa Catarina, na kilala bilang Katedral ng Se, ay ang katedral ng Ritung Latin ng Katoliko Romanong Arkidiyosesis ng Goa at Daman at ang luklukan ng Patriarko ng Silangang Indias. Matatagpuan ito sa Lumang Goa, India.
Katedral ng Se | |
---|---|
Sé Catedral de Santa Catarina (Portuges) Bhagevont Katerinachi Katedral (Konkani) Katedral ng Santa Catalina (Tagalog) | |
15°30′13.58″N 73°54′44.39″E / 15.5037722°N 73.9123306°E | |
Lokasyon | Lumang Goa |
Bansa | India |
Denominasyon | Katoliko Romano |
Websayt | archgoadaman.com |
Kasaysayan | |
Itinatag | 1619 |
Dedikasyon | Catalina ng Alejandria |
Consecrated | 1640 |
Arkitektura | |
Estado | Katedral |
Istilo | Portuges-Gotiko |
Detalye | |
Haba | 250 talampakan (76 m) |
Lapad | 181 talampakan (55 m) |
Pamamahala | |
Arkidiyosesis | Arkidiyosesis ng Goa at Daman |
Kasaysayan
baguhinAng salitang Sé ay Portuges para sa Luklukan. Ang Katedral ng Se ay itinayo upang gunitain ang tagumpay ng Portuges sa ilalim ni Afonso de Albuquerque laban sa isang hukbong Muslim, na humantong sa pagkubkob ng lungsod ng Goa noong 1510. Dahil ang araw ng tagumpay ay nangyari sa kapistahan ni Santa Catalina, ang katedral ay inialay sa kaniya.
Ito ay ikinomisyon ni Gobernador George Cabral na palakihin noong 1552 sa labi ng isang naunang estruktura. Ang pagtatayo ng simbahan ay nagsimula noong 1562 sa paghahari ni Haring Dom Sebastião.[1][2] Ang katedral ay nakumpleto noong 1619 at ikinonsagrado noong 1640.
Mayroon itong dalawang tore, ngunit ang isa ay gumuho noong 1776 at hindi na itinayo.
Noong 1953, ang Katedral ay ginawaran ng "Ginintuang Rosas" ni Benerableng Papa Pio XII. Ang Ginintuang Rosas ay isang dekorasyong ginto, kung saan tradisyonal na pinagpala at iginawad ng mga Papa ng Simbahang Katolika bilang isang tanda ng paggalang o pagmamahal. Nakalagay ito sa nitso ni San Francisco Javier.
Isang Litwanong Heswita na si Andrius Rudamina ay dumating sa India sa Goa noong Agosto 22, 1625. Halos 400 taon na ang lumipas, taong 2015, isang pang-alaalang bato na may pangalan ni Andrius Rudamina ang itinayo sa patyo ng Katedral.[3]
Arkitektura
baguhinAng estilo ng arkitektura ng Katedral ng Se ay Portuges-Manuelino. Ang panlabas ay Tuscan, samantalang ang loob ay Corinto. Ang simbahan may ay 250 talampakan (76 m) haba at 181 talampakan (55 m) sa lawak. Ang patsada ay may 115 talampakan (35 m) na taas.
Sa loob ng katedral
baguhinAng tore ng Se Cathedral ay naglalaman ng isang malaking kampanilya na kilala bilang "Ginintuang Batungaw" dahil sa mayamang tono. Sinasabing ito ang pinakamalaki sa Goa, at isa sa pinakamahusay sa buong mundo.[kailangan ng sanggunian] Ang pangunahing dambana ay alay kay Catalina ng Alejandria, at maraming lumang pinta sa magkabilang panig nito. Sa kanan ay may isang Kapilya of the Krus ng mga Milagro, kung saan sinabing lumitaw ang isang pangitain kay Kristo noong 1619. Mayroong anim na pangunahing panel, kung saan ang mga eksena mula sa buhay ni Santa Catalina ay inukit. Mayroong isang malaking ginintuang reredos sa itaas ng pangunahing dambana.
Naglalagay din ang Katedral ng Se ng isang binyagan na ginawa noong 1532 na ginamit ni San Francisco Javier upang mabinyagan ang maraming sumanib sa Katolisismo mula sa Goa.
Galeriya
baguhin-
Altar
-
Detalye ng Altar
-
Tanaw sa loob patungo sa Reredos
-
Tanaw sa gilid
-
Tanaw sa loob
-
Tanaw mula sa timog malapit sa Basilika ng Bom Hesus
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhinMga pagsipi
- ↑ Tribhuvan Prakash 1997
- ↑ Pereira 2000
- ↑ Monteiro L., State to unveil memorial to first Lithuanian in India, https://timesofindia.indiatimes.com/city/goa/State-to-unveil-memorial-to-first-Lithuanian-in-India/articleshow/48563799.cms
Bibliograpiya
- Issar, Tribhuvan Prakash (1997). Goa Dourada : the Indo-Portuguese bouquet. Bangalore: Issar. ISBN 978-81-900719-0-1.
{{cite book}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - Pereira, José (2001). Churches of Goa. Delhi: Oxford University Press. ISBN 978-0-19-565559-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Pereira, José (1995). Baroque Goa : the architecture of Portuguese India. New Delhi: Books & Books. ISBN 978-81-85016-43-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Pereira, José (2000). Baroque India : the neo-roman religious architecture of South Asia : a global stylistic survey. New Delhi: Aryan Books Internat. ISBN 978-81-7305-161-6.
{{cite book}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)