Basilika ng Bom Jesus

Ang Basilika ng Bom Jesus (Portuges: Basílica do Bom Jesus; Konkani: Borea Jezuchi Bajilika) ay isang Katoliko Romanong basilika na matatagpuan sa Goa, India, at bahagi ng mga Simbahan at kumbento ng Goa na Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO.[1][2] Ang basilika ay matatagpuan sa Old Goa, dating kabesera ng Portuges na India, at dito nakalagak ang mga labi ni San Francisco Javier.[3]

Basilika ng Bom Jesus
Portuges: Basílica do Bom Jesus
Map
Pangkalahatang impormasyon
Bayan o lungsodLumang Goa, Goa
BansaIndia
Natapos1605
Tanaw sa loob patungo sa altar

Ang 'Bom Jesus' (literal, 'Mabuti (o Banal) na Hesus') ay ang tawag sa Ecce Homo sa mga bansang napasailalim ng kolonyalismong Portuges. Ang simbahang Heswita ay ang unang basilika menor sa India, at itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na halimbawa ng arkitekturang Baroko at arkitekturang Kolonyal ng Portuges sa India. Ito ay isa sa Pitong Kamangha-mangha sa Mundong Portuges.

Kasaysayan

baguhin
 
Mga labi ni San Francisco Javier
 
Ang pinalamutiang pasukan sa simbahan

Ang pagsasatayo sa simbahan ay nagsimula noong 1594. Ang simbahan ay ikinonsagrado noong Mayo 1605 ng arsobispong si Dom Fr. Aleixo de Menezes. Ang pandaigdigang pamanang monumento ay lumitaw bilang isang palatandaan sa kasaysayan ng Kristiyanismo. Naglalaman ito ng katawan ni San Francisco Javier, isang matalik na kaibigan ni San Ignacio ng Loyola na tagapagtatag ng Kapisanan ni Jesus (mga Heswita). Si Francisco Javier ay namatay sa Pulong Sancian, Chuandao (川島鎮), Taishan habang patungo sa kontinental na Tsina noong 3 Disyembre 1552.

Ang bangkay ni Francis Xavier ay unang dinala sa Portuges na Malacca at makalipas ang dalawang taon ay ipinadala pabalik sa Goa. Sinasabing ang katawan ng santo ay kasing sariwa ng araw na inilibing ito.[4] Ang mga labi ng santo ay nakakaakit pa rin ng maraming turista (kapuwa mga Kristiyano at hindi Kristiyano) mula sa buong mundo, lalo na sa mga pampublikong pagkakataong ipinapakita ang kaniyang katawan bawat dekada (huling nangyari noong 2014). Sinasabing ang santo ay naghihimala at nakagagaling.

Ito ang isa sa mga pinakalumang simbahan sa Goa at sa India. Ang sahig ay gawa sa marmol na binudburan ng mga batong hiyas. Bukod sa mga detalyadong ginintuang dambana, ang loob ng simbahan ay simple. Ang pangunahing dambana ay may isang malaking estatwa ni San Ignacio ng Loyola, ang nagtatag ng Kapisanan ni Jesus (Heswita), at isa sa mga kasama ni Francisco Javier na ang mga salita ang humantong sa kaniyang pagbabagong-buhay. "Ano ang pakinabang sa isang tao," tinanong ni Ignacio kay Francisco, "kung makamit niya ang buong mundo at mawala ang kaniyang kaluluwa?"

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "One wall inside Red Fort to turn white". The Times of India. 20 Mayo 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Pebrero 2013. Nakuha noong 4 Disyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Bom Jesus Basilica sitting on a fire bomb: Church official". The Times of India. 11 Mayo 2011. Nakuha noong 2 Setyembre 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Church slams govt over Iffi dates, threat to Old Goa". The Times of India. 12 Nobyembre 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Pebrero 2013. Nakuha noong 4 Disyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Himbutana, Gopitha Peiris (29 Enero 2006). "Ven. Thotagamuwe Sri Rahula Thera Scholar monk par excellence" (PDF). Lake House. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 4 Oktubre 2013. Nakuha noong 1 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin