Katedral ni Santa Maria, Kuala Lumpur
Ang Katedral ng Santa Mariang Birhen o Katedral ni Santa Maria ay ang katedral ng Diyosesis ng Kanlurang Malaysia ng Anglikanong Simbahan ng Lalawigan ng Timog-silangang Asya, matatagpuan sa Kuala Lumpur, Malaysia. Ito ay ang Luklukang Episkopal ng Anglikanong Obispo ng Kanlurang Malaysia at ang inang simbahan ng diyosesis.
Katedral ni Santa Maria | |
---|---|
Katedral ni Santa Mariang Birhen | |
Lokasyon | Jalan Raja, Kuala Lumpur |
Bansa | Malaysia |
Denominasyon | Anglikano |
Churchmanship | Ebanghelikal na Anglikanismo |
Websayt | stmaryscathedral.org.my |
Kasaysayan | |
Itinatag | 1894 |
Dating obispo | Rt. Rev. Tan Sri Datuk Dr. Roland Koh Rt. Rev. Tan Sri Dato' Sri Dr. J.G. Savarimuthu Rt. Rev. Tan Sri Datuk Dr. Lim Cheng Ean |
Arkitektura | |
Katayuang gumagana | Aktibo |
Arkitekto | A.C.A. Norman |
Uri ng arkitektura | Maagang Gotikong Ingles |
Pamamahala | |
Archdeaconry | Upper Central Archdeaconry |
Diyosesis | Diyosesis ng Kanlurang Malaysia |
Lalawigang eklesyastikal | Lalawigan ng Timog-silangang Asya |
Sinodo | Kanlurang Malaysia |
Klero | |
Arsobispo | Rt. Rev. Datuk Ng Moon Hing |
Obispo | Rt. Rev. Datuk Ng Moon Hing |
Dekano | Very Rev. Dr. Andrew Cheah |
Archdeacon | Ven. Canon Eddie Ong |
(Mga) Pari | Revd. John Layang Revd. Iben Arang Rev. Gordon Kong Rev. Timothy Philips Revd. Andy Ng Revd. Timothy Nicholls |
Deaconess(es) | Datin Dulcie Abraham |
Laity | |
Reader(s) | James Chee Ruban Peter Nanda Goban Dinesh Natorajan |
Churchwarden(s) | Joseph Manuel |
Kasaysayan
baguhinAng orihinal na simbahan ay inilaan sa Birheng Maria ni Right Reverend George Frederick Hose, ang Obispo ng Singapore, Labuan, at Sarawak, noong Pebrero 13, 1887. Ang estrukturang ito ay itinayo ng troso sa Daang Bluff, sa tuktok ng isang burol na kilala ngayon bilang Bukit Aman, kung saan matatagpuan ang punong tanggapan ng Maharlikang Kapulisan ng Malaysia. Nagsilbi itong sentro para sa pagsamba at buhay espiritwal para sa maliit na pangkat ng mga Anglikano sa buong Kuala Lumpur sa panahong iyon. Kabilang sa mga kilalang parokyano ng simbahan sa panahong iyon ay ang mga Britanikong residente ng Selangor, WH Treacher at FA Swettenham (na naging Residente-Heneral ng Mga Federadong Estadong Malay at Gobernador ng Straits Settlements).
Relokasyon
baguhinNoong 1893, napagpasyahang magtayo ng isang bagong gusali upang mapaloob ang lumalaking kongregasyon, at isang bagong lugar ang natagpuan sa tabi ng Padang o Liwasang Parada (kilala ngayon bilang Dataran Merdeka o Plaza Kalayaan) ng Selangor Club. Ang halagang nalikom ng kongregasyon para sa pagbuo ng bagong simbahan ay dinagdagan ng isang regalong limang libong Straits dolyar mula sa gobyerno ng Selangor sa mungkahi ng Gobernador ng Straits Settlements, Sir Cecil Clementi Smith. Kasama sa mga kilalang lokal na nag-ambag sa pondo ng gusali ay sina Yap Kwan Seng at K. Thamboosamy Pillay, kahit na hindi sila mismong Kristiyano.
Ang batong pundasyon ay inilatag noong Pebrero 3, 1894 ng Britanikong Residente ng Selangor, si Sir WH Treacher, sa isang seremonya na pinangasiwaan ni Obispo GF Hose. Noong Pebrero 9, 1895, ang 'unang ladrilyong simbahang itinayo sa katutubong mga Estado of Tangway Malay' ay ikinonsgrado ng parehong obispo.
Nang ang Diyosesis ng Kanlurang Malaysia ay itinatag sa 1970, Ang Simbahan ni Santa Maria ay ginawang luklukan ng Obispo ng Kanlurang Malaysia.