Proporsiyon ng katawan

(Idinirekta mula sa Katimbangan ng katawan)

Habang may makabuluhang pagkakaiba-iba sa mga kasukatan o mga proporsiyong pang-anatomiya sa pagitan ng mga tao, maraming mga pagtukoy sa mga proporsiyon, kasukatan, kabagayan ng sukat, pagkakatapat ng sukat, katapatan ng sukat, pagtatapat ng sukat, o katimbangan ng sukat ng katawan na nilalayong maging kanonikal sa sining, sa pagsusukat o pagtatakal, o sa medisina.

Ang mga kasukatan o proporsiyon ng katawan ng tao ay nagbabago habang tumatanda.
Ang Madonna na may Mahabang Leeg, ni Parmigianino. Katulad ng sa ibang mga gawa ng Manerista, ang mga proporsiyon ng katawan - ang leeg dito - ay pinalabis para sa epektong pangsining.

Sa pagsusukat, ang mga proporsiyon ng katawan ay madalas na ginagamit upang pag-ugnayin ang dalawa o marami pang mga sukat batay sa katawan. Ang kubito, halimbawa na, ay nararapat na may anim na mga palad. Habang maginhawa o kumbinyente, ang mga tumbasan o rasyo ay maaaring hindi magpaaninag ng baryasyong o kaibahang pisyognomiko ng mga indibidwal na gumagamit ng mga ito.

Kahalintulad din, sa sining, ang mga proporsiyon ng katawan ay ang pag-aaral ng ugnayan o relasyon ng mga bahagi ng katawan ng tao at ng hayop sa isa't isa at sa kabuuan. Ang mga tumbasang ito ay ginagamit sa beristikong depiksiyon o paglalarawan ng pigura, at nagiging bahagi rin ng isang estetikong kanon sa loob ng isang kultura.

Saligan ng mga proporsiyong pantao

baguhin

Mahalaga ito sa pagguhit ng pigura o hubog upang maiguhit ang pigura ng tao na may proporsiyon. Bagaman mayroong mga mapitagang o bahagyang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal, ang mga proporsiyong pantao ay nakalapat sa loob ng isang patas na may pamantayang kasaklawan, bagaman may mga artista o alagad ng sining na makasaysayang nagtangkang lumikha ng ulirang mga pamantayan. Sa pagguhit ng hubog, ang saligan o payak na yunit ng sukat ay ang 'ulo', na layo mula sa tuktok ng ulo hanggang sa baba. Ang yunit na ito ng sukat ay isang makatwirang pamantayan, at matagal nang ginagamit ng mga alagad ng sining upang mapanatili ang mga proporsiyon o katimbangan ng hubog ng taeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeetaeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee





























Mga sanggunian

baguhin