Ekwasyon
Sa matematika, ang tumbasan o ekwasyon (Kastila: ecuación) ay ang pangungusap na pangmatematika na naghahayag ng ekwalidad (pagiging magkatumbas o magkapantay) ng dalawang ekspresyon. Binibigyang kahulugan din ito bilang isang pagpapahayag o isang proposisyon o "panukala" na karaniwang pang-alhebra, na kinakandili o binibigyan ng kariinan ang pagkakapantay o pagiging magkatumbas ng dalawang mga kantidad o dami.[1] Sa modernong notasyon, ang ekwasyon ay isinusulat sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ekspresyon sa anumang panig ng simbolong = na ang ibig sabihin ay ikwal o magkatumbas. Halimbawa, ang ekwasyong
ay naghahayag na ang resulta ng ekspresyong x+3 ay katumbas ng 5. Sa ibang salita, ang bariyabulo na x ay naglalaman ng halaga na kapag dinagdagan ng 3 ay magreresulta sa halagang 5. Ang simbolong ikwal na "=" ay inimbento ni Robert Recorde (1510–1558) na tumuturing na wala nang mas tutumbas pa sa 2 paralelo (parallel) o magkaagapay na tuwid na mga linya na pareho ang haba.
Mga uri
baguhinMga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.