Estasyon ng Katipunan

ay isang estasyon sa Manila Line 2 (MRT-2)
(Idinirekta mula sa Katipunan LRT Station)

Ang Estasyon ng Katipunan o Himpilang Katipunan ay isang himpilan sa Linyang Bughaw ng sistemang Magaan na Riles Pantawid ng Maynila (MRT-2). Ito lamang ang himpilan sa linya na matatagpuan sa ilalim ng lupa. Nagsisilbi ang himpilan para sa Loyola Heights sa Lungsod ng Quezon at ipinangalan mula sa Abenida Katipunan. Nakuha ng abenida ang pangalan nito mula sa Katipunan.

Katipunan
Manila MRT Line 2
Estasyon ng Katipunan
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonBulebar Aurora pgt. Abenida Katipunan (C-5)
Loyola Heights, Lungsod ng Quezon
Koordinato14°37′51.95″N 121°04′22.65″E / 14.6310972°N 121.0729583°E / 14.6310972; 121.0729583
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon
Pinapatakbo ni/ngSistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila
LinyaMRT-2
PlatapormaGilid ng batalan
Riles2
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaIlalim ng lupa
Akses ng may kapansananMayroon
Ibang impormasyon
KodigoKa
Kasaysayan
NagbukasAbril 5, 2003

Nagsisilbi ang himpilang Katipunan bilang pansampung himpilan para sa mga treng MRT-2 na patungo sa Santolan at bilang pangalawang himpilan para sa mga treng patungo sa Recto. Dahil katabi nito ang Abenida Katipunan, malapit ito sa mga paaralan tulad ng Pamantasang Ateneo de Manila at Kolehiyo ng Miriam na medyo malaya-layo rin sa himpilan. Bumababa rin sa himpilang Katipunan ang mga taong papunta ng Pamantasan ng Pilipinas sa Diliman, na medyo malayo-layo rin mula sa himpilan.

Mga kawing pangpanlalakbay

baguhin

May mga bus, dyip, taksi, at mga traysikel na pwedeng sakyan upang ikutin ang Abenida Katipunan.

Balangkas ng estasyon

baguhin
L1 Daanan Philippine School of Business Administration, Tindahan
B1 Lipumpon Faregate, Bilihan ng Tiket, Sentro ng Estasyon
B2
Batalan
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Batalan A Ika-2 Linya papuntang Santolan
Batalan B Ika-2 Linya papuntang Recto
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan

Mga kawing panlabas

baguhin