Ikalawang Linya ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila

Ang ikalawang linya ng Sistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila

Ang Ikalawang Linya o ang Linyang Bughaw ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (Blue Line) at kilala dati bilang Linyang Lila (Purple Line) ay ang ikalawang linya ng tren ng Maynila. Sa kasalukuyan binubuo ng labing-isang mga estasyon na may 13.8 kilometro. Maaring ang mga estasyon ay may riles na nakaangat, maliban sa Katipunan, na nasa ilalim ng lupa. Katulad ng pinahihiwatig ng pangalan nito, kulay asul ang linya sa lahat ng mga mapa ng tren.

Megatren
Isang tren sa Estasyon ng V. Mapa
Buod
UriHeavy Metro
SistemaSistema ng Light Rail Transit ng Maynila
KalagayanGumagana
LokasyonAntipolo, Pasig, Lungsod Quezon, San Juan at Maynila
HanggananAntipolo
Recto
(Mga) Estasyon13
(Mga) Serbisyo1
Araw-araw na mananakay195,700 (karaniwan, 2013)
269,271 (natala, 2012)[1]
WebsaytOfficial website
Operasyon
Binuksan noongAbril 5, 2003
May-ariPangasiwaan ng Light Rail Transit
(Mga) NagpapatakboPangasiwaan ng Light Rail Transit
Ginagamit na trenHyundai Rotem EMU
Teknikal
Haba ng linya13.8 km (8.6 mi)
Luwang ng daambakal1,435 mm (4 ft 8 12 in)
PagkukuryenteLinya ng Overhead
Bilis ng pagpapaandar40–80 km/h (25–50 mph)
Mapa ng ruta

Antipolo
Marikina
Santolan
Depot
Katipunan
Anonas
Araneta Center–Cubao
 3 
Betty Go-Belmonte
Gilmore
J. Ruiz
V. Mapa
Pureza
 PNR 
Legarda
Recto
 1 
Tutuban
approved
extension
Divisoria
Pier 4

Tumatakbo ang linya sa kanluran-silangan na direksiyon, at dumadaan sa mga lungsod ng Maynila, Marikina, Lungsod Quezon, at San Juan. Pwedeng lumipat ang mga pasahero sa Linyang Lunti sa Recto, at sa Linyang Dilaw sa Araneta Center-Cubao.

Bago ipinalabas ang Sistemang Panlulan ng Matatag na Republika, tinawag ang linya na MRT Line 2, o Megatren. Subalit, ang lilang kulay nito, na ginamit simula nang buksan ito noong 2003, ay ginagamit padin kahit na pinalitan na ang kulay ng linya ng bughaw.

Kasaysayan

baguhin

Paghahanay

baguhin

Ang Linyang Bughaw ay nakahanay sa Radial Road 6, sa Lansangang Marikina–Infanta, Bulebar Aurora, Bulebar Magsaysay, Kalye Legarda, at sa Circumferential Road 1 sa Abenida Recto.

Tumutuloy ang linya pagkatapos ng huling hinto nito sa Recto, at nagtatapos malapit sa Divisoria.

Mapa at mga estasyon

baguhin
Estasyon Layo (km)[3] Paglipat Lokasyon
Sa pagitan ng
estasyon
Kabuuan
Antipolo 0.000 Masinag, Lungsod ng Antipolo
Marikina 2.232 2.232 San Roque, Marikina
Santolan 1.795 4.027 Santolan, Pasig (ilang bahagi ng istayon ay sakop ng Calumpang, Marikina)
Katipunan 1.970 5.997 Loyola Heights, Lungsod Quezon
Anonas 0.955 6.952 Project 3, Lungsod Quezon
Araneta Center–Cubao 1.438 8.390 Ika-3 Linya: Araneta Center–Cubao Cubao, Lungsod Quezon
Betty Go-Belmonte 1.164 9.554 New Manila, Lungsod Quezon
Gilmore 1.075 10.629 New Manila, Lungsod Quezon
J. Ruiz 0.928 11.557 Ermitaño, San Juan
V. Mapa 1.234 12.791 Santa Mesa, Maynila
Pureza 1.357 14.128 PNR: Santa Mesa Santa Mesa, Maynila
Legarda 1.389 15.537 San Miguel, Maynila
Recto 1.050 16.587 Ika-1 Linya: Doroteo Jose Santa Cruz, Maynila

Hinaharap

baguhin

Pagpapahaba ng Linyang Bughaw

baguhin

Ang isang apat na kilometrong pagpapahaba sa silangan ng Linyang Bughaw papuntang Dugtungan ng Masinag sa Antipolo, Rizal, ay pinaplano. Inaprubahan ito ng National Economic and Development Authority (NEDA), pero ang pagtangka ay na sa kalihim ng NEDA . Sa hinaharap, pwedeng mapahaba ang linya hanggang sa Daungan ng mga Barko ng Manila sa kanluran, at sa Cogeo sa Antipolo sa silangan.

Talababa

baguhin
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-21. Nakuha noong 2014-05-03.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. https://mb.com.ph/2021/06/21/postponed-again-lrt-2-east-extension-opening-moved-to-july-5
  3. "Talaan ng mga layo ng bawat estasyon". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-28. Nakuha noong 2014-05-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing panlabas

baguhin