Estasyon ng Betty Go-Belmonte
Ang Estasyon ng Betty Go-Belmonte o Himpilang Betty Go-Belmonte , na dating tinatawag na Estasyon ng Boston noong ito ay nasa plano pa lamang, ay isang estasyon sa Linyang Bughaw (MRT-2). Ang himpilang Betty Go-Belmonte ay isa sa maraming mga himpilang nakaakyat sa lupa. Ito ay matatagpuan sa New Manila sa Lungsod ng Quezon. Ipinangalan ang himpilan sa asawa ng dating alkalde at Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na si Feliciano Belmonte Jr. at isa sa tagapagtatag ng The Philippine Star na si Betty Go-Belmonte.
Betty Go-Belmonte | |
---|---|
Manila MRT Line 2 | |
Pangkalahatang Impormasyon | |
Lokasyon | Bulebar Aurora pgt. Ekt. Betty Go-Belmonte, Brgy. Mariana & Kaunlaran, New Manila, Lungsod ng Quezon |
Koordinato | 14°37′06.86″N 121°02′33.83″E / 14.6185722°N 121.0427306°E |
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon |
Pinapatakbo ni/ng | Sistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila |
Linya | MRT-2 |
Plataporma | Gilid ng batalan |
Riles | 2 |
Konstruksiyon | |
Uri ng estruktura | Tulay (Overpass) |
Akses ng may kapansanan | Mayroon |
Ibang impormasyon | |
Kodigo | BG |
Kasaysayan | |
Nagbukas | Abril 5, 2004 |
Nagsisilbi bilang pampitong himpilan ang himpilang Betty Go-Belmonte para sa mga treng MRT-2 na patungo sa Santolan at bilang panlimang himpilan para sa mga treng patungo sa Recto. Malapit ang himpilan sa Holy Buddhist Temple. Dinudugtong nito ang Kalye Boston.
Mga kawing pangpanlalakbay
baguhinMay mga sasakyang de-padyak, dyip, taksi, at mga bus na nagaabang ng mga pasahero sa labas ng estasyon.
Balangkas ng estasyon
baguhinL3 Batalan |
Gilid ng batalan, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
| |
Batalan A | ← Ika-2 Linya papuntang Santolan | |
Batalan B | → Ika-2 Linya papuntang Recto → | |
Gilid ng batalan, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
| ||
L2 | Lipumpon | Faregate, Bilihan ng Tiket, Sentro ng Estasyon, Tindahan |
L1 | Daanan | Kalayaan Colleges |
Mga kawing panlabas
baguhin- Midyang kaugnay ng Betty Go-Belmonte station sa Wikimedia Commons
- Websayt ng LRTA Naka-arkibo 2014-05-28 sa Wayback Machine.