Kenkoy
Si Kenkoy ay isang karakter sa komiks na gawa ng manunulat na si Romualdo Ramos at ng mangguguhit na si Tony Velazquez na unang nailimbag sa mga pahina ng lingguhang magasing Liwayway noong Enero 11,1929. Sa pagpanaw ni Ramos noong 1932 ay pinagpatuloy ni Velazquez ang paggawa ng kanyang mga istorya.
Ang katawagang "kenkoy" ay pumasok na sa wikang Pilipino o Tagalog na nangangahulugan bilang isang taong palabiro, payaso, o isang nakakatawang tao.[1]