Keso de bola
Ang keso de bola (Kastila: queso de bola), literal na "kesong bola" o "bolang keso", ay isang uri ng pampaskong kesong dilaw at hugis bilog o espero na nakabalot sa pulang pagkit na parapina. Isang gawi sa paghahain ng keso de bola ang pagtatambal ng pandesal, hamon, ensaymada, at tsokolate.[2] Sa Olanda, mas kilala ang keso de bola bilang Edam (Olandes: Edammer) sapagkat doon orihinal na nagmula ang kesong ito , sa isang bayan na kilala bilang Edam, na nasa lalawigan ng Hilagang Olanda.[3]
Edam Edammer (Olandes) | |
---|---|
Bansa | Olanda |
Rehiyon | Edam-Volendam |
Bayan | Edam |
Pinagmumulan ng gatas | Baka |
Pastyurisado | Oo |
Tekstura | Medyo matigas |
Nilalamang taba | 11g/100g |
Tagal ng paglaon | 4 linggo – 10 buwan |
Sertipikasyon | Oo[1] |
Ipinangalan kay | Edam[*] |
|
Katangian
baguhinAng keso de bola sa Olanda ay binabalutan upang maipagbili at nailuluwas. Ang edam ay pinahihinog ng halos 17 mga linggo at binabalutan ng itim na pagkit, sa halip na pula o dilaw. Dahil sa edad ng kesong ito, nailalakbay ito na hindi kaagad nasisira o napapanis. Dahil dito, at sa iba pa nitong mga katangian, naging pinakatanyag na keso ito sa pagitan ng ika-14 at ika-18 daantaon.[4] Bantog ito sa Hilagang Amerika, mga bansang Nordiko, at iba pang mga bansa sa mundo.
Kasaysayan
baguhinSa Pilipinas
baguhinAng pangalan ng kesong ito ay pinasimulan ni Dr. Frederick Zuellig, isang Suwisong imigrante sa Pilipinas at tagapagtatag ng Zuellig Pharmaceuticals noong kaagahan ng dekada 1900. Dating inaangkat ang mga kesong inasnan (pampreserba ang asin) mula sa Nederlands (Olanda) papuntang Pilipinas noong kahulihan ng 1930. Naging kilalang tatak ng produktong keso de bola ang Marca Piña Queso de Bola.[2]
Ang produktong keso de bola ng Marca Piña ay tradisyunal na gawa mula sa gatas ng taglamig na nagmumula sa mga baka nasa loob ng isang gusaling alagaan habang panahon ng taglamig. Hindi ginagamit ang gatas ng tag-araw dahil nakakasanhi ito ng pagkakadurog ng keso. Ang keso ng Marca Piña ay pinatatanda sa loob ng 24 na linggo. Naglalaman ito ng 3.8 na gramo ng asin. Sa kasalukuyan, hindi na inaasnan ang keso mula sa Olanda sapagkat may teknolohiya na ang repridyerasyon.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Council Regulation (EC) No 510/2006
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Carballo, Bibsy. Our one-of-a-kind ‘queso de bola’ Naka-arkibo 2009-09-06 sa Wayback Machine., Philippine Daily Inquirer, Setyembre 2, 2009.
- ↑ Opisyal na Websayt ng Bayan ng Edam, Abril 11, 2007.
- ↑ Kasaysayan ng Kesong Edam Naka-arkibo 2011-10-26 sa Wayback Machine., Edam.com, 2007-04-11