Killer Frost
Si Killer Frost ay pangalan na ginagamit ng ilang kathang-isip na mga babaeng supervillain at superhero na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics: sina Crystal Frost, Louise Lincoln, at Caitlin Snow. Bawat isa ay ibang katauhan sa DC Universe na kinukuha ang pangalang Killer Frost na kadalasang kalaban (o kakilala, kakampi, o katambal sa pag-ibig) ng superhero na si Firestorm.
Killer Frost | |
---|---|
Impormasyon ng paglalathala | |
Tagapaglathala | DC Comics |
Unang paglabas | (Crystal Frost) Firestorm bol. 1 #3 (Hunyo 1978) (Louise Lincoln) Firestorm bol. 2 #21 (Marso 1984) (bilang Louise Lincoln) Firestorm bol. 2 #34 (Abril 1985) (bilang Killer Frost) (Caitlin Snow) Fury of Firestorm: The Nuclear Man #19 (Hunyo 2013) (bilang Caitlin Snow) Justice League of America #7.2 (Nobyembre 2013) (bilang Killer Frost) |
Tagapaglikha | (Crystal Frost at Louise Lincoln) Gerry Conway Al Milgrom (Caitlin Snow) Dan Jurgens |
Impormasyon sa loob ng kwento | |
Ibang katauhan | Crystal Frost Louise Lincoln Caitlin Snow |
Espesye | Metahuman |
Kasaping pangkat | (Crystal Frost) Hudson University Black Lantern Corps (Louise Lincoln) Suicide Squad Injustice League Secret Society of Super Villains (Caitlin Snow) S.T.A.R. Labs Secret Society of Super Villains Suicide Squad Justice League of America |
Kilalang alyas | (Caitlin Snow) Frost |
Kakayahan | (Lahat) Lamig at pagmamanipula ng yelo |
Lumabas ang iba't ibang bersyon (Crystal Frost at Louise Lincoln) sa iba't ibang animasyong proyekto at mga larong bidyo na karamihan sa mga ito ay binosesan ni Jennifer Hale. Si Danielle Panabaker naman ang gumaganap bilang Caitlin Snow sa mga palabas ng DC Arrowverse, kung saan siya ang pangunahing karakter sa seryeng pantelebisyon na The Flash.
Si Crystal Frost ang unang bersyon, na unang lumabas sa Firestorm #3 (Hunyo 1978).[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Cowsill, Alan; Irvine, Alex; Korte, Steve; Manning, Matt; Wiacek, Win; Wilson, Sven (2016). The DC Comics Encyclopedia: The Definitive Guide to the Characters of the DC Universe (sa wikang Ingles). DK Publishing. p. 168. ISBN 978-1-4654-5357-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)