Kurap
Ang pagkurap, mula sa kurap, ay ang mabilis na pagsara o pagpikit at pagbubukas o pagdilat ng talukap ng mata (takipmata). Isa itong mahalagang tungkulin ng mata na nakakatulong sa pagpapakalat ng mga luha sa ibayo o tapat ng mata at nag-aalis ng mga nagpapakati (iritante, nagsasanhi ng iritasyon o pangangati) mula sa ibabaw ng kornea at konhunktiba. Ang tulin ng pagkurap ay naaapektuhan ng mga elementong katulad ng kapaguran, pinsala sa mata, medikasyon, at karamdaman. Ang dami ng pagkurap ay pinagpapasyahan ng tinatawag na "lunsuran ng pagkurap" (sentro ng pagkurap), subalit maaari rin itong maapektuhan ng estimulong panlabas. Kapag ang isang hayop (karaniwan na ang tao ay nagpasyang ikurap lamang ang isang mata, mas tinatawag itong kindat, at nagiging isang paghudyat sa loob ng isang ugnayang pangpakikipagkapwa-tao (isang uri ng wika ng katawan). Ilang mga hayop (katulad ng mga pagong, pawikan, at mga hamster) ang nagkukurap ng kanilang mga mata na walang pagsasabayan ang bawat isa.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.