Ang Kiyosu (清須市, Kiyosu-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019 (2019 -10-01), may tinatayang populasyon na 69,687 ang lungsod sa 29,477 mga kabahayan,[1] at kapal ng populasyon na 4,017 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 17.35 square kilometre (6.70 mi kuw).

Kiyosu

清須市
Paikot sa kanan mula sa taas: Kastilyo ng Kiyosu; Gusaling Panlungsod ng Kiyosu; Kabayanan ng Kiyosu; Mga labi ng honjin ng Kiyosu-juku
Watawat ng Kiyosu
Watawat
Opisyal na logo ng Kiyosu
Kinaroroonan ng Kiyosu sa Prepektura ng Aichi (naka-rosas)
Kinaroroonan ng Kiyosu sa Prepektura ng Aichi (naka-rosas)
Kiyosu is located in Japan
Kiyosu
Kiyosu
 
Mga koordinado: 35°11′59.3″N 136°51′10.3″E / 35.199806°N 136.852861°E / 35.199806; 136.852861
Bansa Hapon
RehiyonChūbu (Tōkai)
PrepekturaAichi
Pamahalaan
 • AlkaldeSumio Nagata (mula noong 2017)
Lawak
 • Kabuuan17.35 km2 (6.70 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Oktubre 1, 2019)
 • Kabuuan69,687
 • Kapal4,000/km2 (10,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- PunoCornus florida
- BulaklakTulipan, Seresang namumulaklak
Bilang pantawag052-400-2911
Adres1238 Sukaguchi, Kiyosu-shi, Aichi-ken 452-8569
WebsaytOpisyal na websayt

Kasaysayan

baguhin

Ang Kiyosu ay kinaroroonan ng isang hintuan (Kiyosu-juku) sa panulukan ng Nakasendō at Minoji na nag-uugnay ng Kamakura sa Kyoto at sa Dambana ng Ise noong panahong Kamakura. Noong panahong Muromachi, pinalakas ang depensa ng lugar sa pamamagitan ng pagtatayo ng Kastilyo ng Kiyosu, na paglaon ay naging baluwarte ng angkang Oda at base kung saang pinagsama ni Oda Nobunaga ang kaniyang kapangyarihan sa Lalawigan ng Owari noong panahong Sengoku. Pagkaraan ng pasimula ng panahong Edo, kinalas ang Kastilyo ng Kiyosu sa utos ni Tokugawa Ieyasu, at inilipat ang karamihang populasyon sa Nagoya. Pagsapit ng pasimula ng panahong Meiji, isang rural na lugar ito na binuo ang mga nayon sa loob ng Distrito ng Nishikasugai ng Prepektura ng Aichi. Itinatag ang bayan ng Kiyosu noong Agosto 1, 1889 kasabay ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad.

 
Teritoryo ng dating bayan ng Kiyosu (naka-luntian)

Noong 2003, may tinatayang populasyon na 19,409 katao ang bayan ng Kiyosu, at kapal ng populasyon na 3,696.95 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak nito ay 5.25 kilometro kuwadrado.

Itinatag ang kasalukuyang lungsod ng Kiyosu noong Hulyo 7, 2005 mula sa pagsasanib ng dating bayan ng Kiyosu sa mga bayan ng Shinkawa at Nishibiwajima (lahat mula sa Distrito ng Nishikasugai).

Noong Oktubre 1, 2009, sinanib sa Kiyosu ang kalapit na bayan ng Haruhi (mula rin sa Distrito ng Nishikasugai).[2]

Heograpiya

baguhin

Matatagpuan ang Kiyosu sa kanlurang bahagi ng Prepektura ng Aichi, sa kanlurang bahagi ng Kapatagan ng Nōbi sa Ilog Shōnai. Hinahangganan nito ang Nagoya metropolis sa silangan. Karamihang bahagi ng lungsod ay may taas na mas-mababa sa 10 metro sa ibabaw ng lebel ng dagat.

Kalapit na mga lungsod

baguhin

Demograpiya

baguhin

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[3] tuluy-tuloy na tumataas ang populasyon ng Kiyosu na nakalipas na 60 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1950 36,294—    
1960 46,433+27.9%
1970 59,752+28.7%
1980 61,138+2.3%
1990 61,578+0.7%
2000 63,009+2.3%
2010 65,864+4.5%

Kapatid na mga lungsod

baguhin

Kilalang mga tao mula sa Kiyosu

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Kiyosu City official statistics Naka-arkibo 2022-05-03 sa Wayback Machine. (sa Hapones)
  2. "Archived copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-28. Nakuha noong 2008-09-08.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kiyosu population statistics
  4. "International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2015. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin

  May kaugnay na midya ang Kiyosu, Aichi sa Wikimedia Commons