Sikolohiyang kognitibo

(Idinirekta mula sa Kognitibong sikolohiya)

Ang sikolohiyang kognitibo, sikolohiyang pangkognisyon, sikolohiyang pangpagtalos, sikolohiya ng pag-alam, o sikolohiyang pangpaglilimi (Ingles: cognitive psychology, literal na "sikolohiya ng mga napag-aaralan ng isipan" o "sikolohiya ng mga pumapasok sa isipan"[1]) ay isang sangay ng sikolohiya na tumitingin sa payak na mga galaw ng isipan, katulad ng paglunas ng suliranin, alaala, at wika. Pinakakaraniwang tinitingnan ng mga sikologong kognitibo ang mga pagbabagong mental o pang-isipan na naganap pagkaraan ng isang estimulo (mga bagay na maaaring madama ng limang pandama) at bago ang isang tugong pang-ugali (kung ano ang ginagawa ng isang tao pagkaraang makadama ng isang bagay). Nagkaroon ng mga simulain ang kognitibong sikolohiya sa sikolohiyang Gestalt nina Max Wertheimer, Wolfgang Köhler, at Kurt Koffka, at sa loob ng mga gawa ni Jean Piaget, na nakaisip ng isang teoriya ng mga "yugto" na naglalarawan ng kognitibong pag-unlad ng mga bata.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Cognitive - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.