Kolehiyong Panghalalan ng Estados Unidos
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Sa Estados Unidos, ang Kolehiyo Elektoral o ang Kolehiyong Panghalalan ay ang grupo ng mga Botante na sapilitan ng Konstitusyon na dapat magtipon tuwing 4 na taon para piliin ang Pangulo at Pangalawang Pangulo. Ang bawat Estado ay naglalaan ng mga botante ayon sa kanilang mga lehislatura.
Ang mga estado at ang Distrito ng Columbia ay naghahalal sa Araw ng Eleksyon sa Nobyembre para piliin ang mga elektor batay sa kung sino ang ihahalal nila para sa pangulo at pangalawang pangulo. May mga estado na may batas upang ibawal ang mga faithless electors.
Ang lahat ng mga estado maliban sa Maine at Nebraska ay gumagamit ng party block voting o general ticket method, para piliin ang kanilang kandidato.
Pamamaraan
baguhinAng bawat estado ay dapat may mga Boto Elektoral na hindi bababa sa 3. Ang bilang ng mga Boto Elektoral ng isang estado ay binubuo ng 2 Senador at ang bilang ng mga Kinatawan ng estado. Hindi kasama ang mga U.S. Territories sa Kolehiyo Elektoral, katulad ng Guam, Puerto Rico, U.S. Virgin Islands, at iba pa.
Ang bilang ng mga Boto Elektoral ng Estados Unidos ay 538. Kailangan ng isang kandidato ng 270 na boto Elektoral upang manalo.