Sa matematika (lalo sa pagsusuring pangbunin), ang konbolusyon (mula Kastila convolución, Ingles: convolution) ay ang operasyon sa dalawang bunin na f at g, na naglalarawan sa kung papaano binabago ng isang hugis ang isa pang hugis. Sa pormal na kahulugan, ito ang integral ng produkto ng dalawang bunin matapos baligtarin at ilipat (shift) ang isa sa mga ito. Nagagawa ang bunin ng konbolusyon sa pamamagitan ng pagkuha sa integral para sa lahat ng mga halaga ng paglilipat.

Pagkukumpara sa konbulusyon, krus-korelasyon, at otokorelasyon. Para sa mga operasyong sa bunin na f, at ipagpalagay na ang taas nito ay 1.0, ang halaga ng resulta sa limang magkakaibang punto ay makikita rito na kinuluyan sa ibaba ng bawat punto. Ang parianyo o simetriya ng f ay ang dahilan kung bakit magkahawig ang g * f at f ⋆ g sa halimbawang ito.

Ginagamit ang konsepto ng kobolusyon sa mga larangan ng probabilidad, estadistika, akustika, ispektroskopyo, pagpoproseso sa signal at larawan, inhenyeriya, pisika, paningin pangkompyuter, at tumbasang diperensiyal.[1]

Ang operasyong nagbabaligtad sa konbolusyon ay tinatawag na dekonbolusyon.

Sanggunian

baguhin
  1. Bahri, Mawardi; Ashino, Ryuichi; Vaillancourt, Rémi (Disyembre 3, 2013). "Convolution Theorems for Quaternion Fourier Transform: Properties and Applications" [Mga Teorema sa Konbolusyon para sa Kwartenyon na Pagbabagong Fourier: Mga Katangian at Paggamit] (PDF) (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 24, 2021. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.