Kohta Lacey

(Idinirekta mula sa Kouta Lacey)

Kohta Lacey (洸太レイシー)

Kohta Lacey
Kapanganakan1992
Trabahoartista

Buong pangalan: Thomas Kohta Lacey (トーマス・洸太・レイシー)

Kapanganakan: Disyembre 12, 1992

Taas: 176 cm

Dibdib: 80 cm

Baywang: 70 cm

Puwit: 91 cm

Sapatos: 27.5 cm

  • Dahil na din sa kahilingan mismo ng aktor na nakasaad dito, nilinaw niya na ang tamang baybay ng kanyang pangalan sa Romano ay "Kohta", at hindi "Kouta".

Isang Awstralyanong-Hapon na aktor. Kasapi siya ng Junes Talent Agency.

Kumpleto niya ang 5 bolyum ng Harry Potter. Bihasa siya sa Ingles, mahilig siyang magbasa ng mga libro, kumuha ng mga litrato, paglangoy, ping pong, saxophone at manggaya ng mga karakter, lalo na si Harry Potter. Pangarap niyang maging aghamista. Nais niyang makaimbento ng makinang panlakbay ng oras at makakuha ng Gawad Nobel. Nakatatandang kapatid niya si Tatsuya Lacey at nakababatang kapatid naman niya si Chiaki Lacey, na pawang mga kapwa niya aktor at modelo sa Junes. Noong Hunyo 2006 inilunsad nilang magkakapatid ang kanilang blogsite na THE LACEYS. Makalipas ang anim na taon, muli siyang bumalik sa Awstralya noong Disyembre 29, 2007 upang magbakasyon para sa bagong taon.

Buhay TTK

baguhin
  • Sabay silang pumasok ni Chiaki Lacey sa Tensai Terebikun MAX(TTK) noong 2004.
  • Siya ang tumayong pinakasenior ng mga Terebi Senshi noong 2006.
  • Palaging nahahaluan ng agham ang kanyang mga ginagampanang papel.
    • 2004 - Ang imbentor ng Underworld Family na si Dr. Reishi. (Katumbas naman niya si Dr. Chiaki ng Rainbow Guardians, na kapatid din niya sa dula.)
    • 2005 - Tampok siya sa dulang "Ako, Tatlong Araw ang Nakalipas" bilang isang binatang bigo sa pag-ibig na naglalakbay sa panahon, pabalik ng tatlong araw.
    • 2006 - Siya ngayon ang isa sa mga piloto ng Yugeder. May dula (Masayang Dilaw na Vaccuum Cleaner) din siya kung saan nakapulot siya ng isang vaccuum cleaner na nanghihigop ng emosyon ng mga tao.
  • Naging manlalaro siya ng Kami Foot Touchdown noong 2005 bilang pinuno ng kanilang koponan na Maboroshi na kinabibilangan ng kapatid niyang si Chiaki at ni Ami Ichiki. Wala silang naipanalong laro. Muli silang nanumbalik noong 2006 bilang Maboroshi RX ngunit hindi pa man pormal na nagsisimula ang K-1 stage ng laro ay talo na agad sila.
  • Popular siya ngayon bilang nanggugulat sa mga tao at nagsasaboy ng party web sa kanilang live na pagtatanghal tuwing Huwebes.

Mga Nabulgar Niyang Lihim

  • Sa brodkast ng Katte Gikai segment noong 2005, ibinulgar ni Tsugumi Shinohara na sabay palang maligo sa iisang paliguan ang magkuya.
  • Sa brodkast ng Weekly Yugeder Magazine noong 2005, ibinulgar ni Chiaki ang awayan nila ng Kuya Kohta niya tuwing umaga dahil lamang sa bisikleta. Iisa lang kasi ang bisikleta nila kaya't naguunahan sila dito tuwing papasok sa paaralan. Lagi namang napapagalitan si Kohta ng kanyang nanay ("Hayaan mo na 'yang kapatid mo! Maglakad ka na lang!").
  • "Kouchan" ang tawag sa kanya sa bahay nila.
  • Malambing siya sa kanyang ama.
  • Madalas masira ang salamin niya sa mata.
  • Ayaw niya ng kamatis.
  • Paborito naman niya ang pizza.
  • Hindi marunong ng gawaing-bahay.
  • Tanghali na kung gumising.
  • Kayang magsit-ups ng matagal na wala man lang nararamdamang kirot o ngawit.

Mga Pinagbidahan

baguhin

Telebisyon

Kaganapan

  • Coach Christmas Caroling 2003

Imprenta

  • Poplar Corporation - Tensai Terebikun MAX Tentere Drama Masterpiece Collection (2007)

Silipin din

baguhin

Mga Kawing Panlabas

baguhin