Krisis sa Silangang Timor noong 1999

Nagsimula ang krisis sa Silangang Timor noong 1999 dahil sa mga pagatake sa mga sibilyan ng mga militanteng laban sa pagkakaroon ng kasarinlan, na lumaganap bilang isang panlahatang kaguluhan sa kabuoan ng bansa, na nakatuon sa ulong-bayan ng Dili. Sumabog ang kaguluhan makaraang isang kalakhang ng mga maaaring mga bumoto mula sa populasyon ng Silangang Timor ang pumili ng pagkakaroon ng kalayaan mula sa Indonesya. May ilang 1,400 mga sibilyan ang pinaniniwalaang namatay. Pinadala sa Silangang Timor ang isang puwersa ng Nagkakaisang mga Bansa (ang InterFET) upang magtatag at magpanatili ng kapayapaan.

Bahagi ng serye hinggil sa
Kasaysayan ng Silangang Timor
Maagang kasaysayan (pre-1515)
Timor na Portuges (1515–1975)
Paglusob ng mga Indones (1975)
Pananakop ng mga Indones (1975 - 1999)
Halalan para sa kasarinlan (1999)
Paglilipat patungong kalayaan (1999 - 2002)
Kasalukuyang Silangang Timor (2002–kasalukuyan)
Krisis noong 2006

Panapanahon sa kasaysayan

[Baguhin ang suleras na ito]

Mga detalye

baguhin

Sanligan: reperendum

baguhin

Noong 1999, nagpasya ang pamahalaang Indones, sa ilalim ng malakas na pandaigdigang pagpipilit, na magsagawa ng isang reperendum hinggil sa hinaharap ng Silangang Timor. Nagsimulang magkaroon ng ilang mga kakamping pampolitika ang Portugal sa pangunguna ng mga nasa Unyong Europeo (European Union, EU), at pagkaraan nito sa iba pang mga bahagi ng mundo para pilitin ang Indonesya. Nagpakita ng malinaw na kagustuhan ng nakararami (78.5%) ang reperendum na ginawad noong Agosto 30, na tumatanggi sa taliwas na mungkahi para maging isang awtonomong lalawigan sa loob ng Indonesya, na papangalanan sanang Natatanging Awtonomong Rehiyon ng Silangang Timor (Special Autonomous Region of East Timor, SARET).

Kaguluhan

baguhin

Tuwirang pagkalipas nito, naglunsad ng kampanya ng kaguluhan at terorismo ang isang suportado ng militar ng Indonesyang milisyang maka-Indonesya (ang makapang-integrasyong milisya sa Silangang Timor), bilang paghihiganti. Tinatayang mga 1,400 mga Timores ang napatay at 300,000 ang napilitang lumikas at tumakas patungong Kanlurang Timor. Nasira ang karamihan sa inprastruktura ng bansa, kabilang ang mga kabahayan, sistema ng patubig o irigasyon, sistema ng mga mapagkukunan ng maiinom na tubig, mga paaaralan, at halos 100% ng mga kasangkapang pangkuryente ng bansa. Ayon kay Noam Chomsky, "Sa loob ng isang buwan, ang malawakang operasyon ng militar na ito ang pumaslang sa ilang 2,000 mamamayan, humalay sa dadaaning mga kababaihan at kabataang babae, nagpalikas sa tatlong-ikaapat ng populasyon, at nagpaguho sa 75 bahagan ng inprastruktura ng bansa (Radical Priorities, 72).

InterFET

baguhin

Noong 20 Setyembre 1999, kumalat sa bansa ang pinangungunahan ng mga Australyanong hukbong pangkapayapaan ng Pandaigdigang Lakas para sa Silangang Timor (International Force for East Timor o INTERFET) at siyang nagdala ng pagwawakas ng kaguluhan. Tumanggap ng presyon mula sa mga aktibista sa Portugal, Australya, Estados Unidos, at sa pang pook ang kani-kanilang mga pamahalaan upang kumilos, na naging dahilan sa kalaunan ng pagbibigay ng babala sa Indonesya ng pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton kaugnay ng pagurong ng mga pahiram na salapi mula sa IMF. Noong mga panahong iyon, laganap na ang kahirapang pampananalapi at pangkabuhayan sa Asya. Pumayag ang pamahalaan ng Indonesyang iurong ang kaniyang mga hukbo at pinahintulutan ang isang puwersang multinasyonal ang siyang magpakalma sa area ng Timor. Malinaw noon na walang sapat na mga tauhan ang Nagkakaisang mga Bansa (UN) para labanan ang mga puwersang militar nang tuwiran. Sa halip, inilunsad ng Nagkakasiang mga Bansa ang isang puwersang militar na multinasyonal na nakilala bilang INTERFET o Pandaigdigang Lakas para sa Silangang Timor, sa pamamagitan ng Resolusyon bilang 1264 ng Konseho ng Seguridad.[1] Naglaan ng mga hukbo ang 17 mga bansa, mga 9,900 ang kabuoan. 4,400 ang nagmula sa Australya, ang natitira mula halos a Timog-Silangang Asya[2] Pinamunuan ni Mayor-Heneral Peter Cosgrove ang sandatahang lakas. Lumapag ang mga hukbo sa Silangang Timor noong 20 Setyembre 1999.

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin