Noam Chomsky
Si Avram Noam Chomsky (ipinanganak 7 Disyembre 1928) ay isang Amerikanong lingguwista, pilosopo, cognitive scientist, historyador, at social critic. Minsan inilalarawan bilang "ama ng modernong lingguwistika", si Chomsky ay isa ring pangunahing pigura sa analytic philosophy at isa sa mga tagapagtatag ng sangay ng cognitive science. Sabay nilang hawak ang posisyong Institute Propesor Emeritus sa Massachusetts Institute of Technology (MIT) at pinagpipitagan propesor sa University of Arizona,[22][23] at siya rin ang may-akda ng higit sa 100 aklat sa iba't ibang paksa tulad ng lingguwistika, digmaan, politika, at mass media. Ang kanyang ideolohiya ay nakahilig sa anarcho-syndicalism at libertarian socialism.
Ipinanganak sa middle-class na imigranteng Ashkenazi Jewish sa Philadelphia, nabuo ang maaging interes ni Chomsky sa anarkismo mula sa mga alternatibong tindahan ng aklat sa New York City. Nagsimila siyang mag-aral sa University of Pennsylvania sa edad na 16, at kumuha ng mga kurso sa lingguwistika, matematika, at pilosopiya. Mula 1951 hanggang 1955, siya ay itinalaga sa Harvard University Society of Fellows. Habang nasa Harvard, binuo niya ang teorya ng transformational grammar; dito, iginawad sa kanya ang doctorate noong 1955. Nagsimulang magturo si Chomsky sa MIT noong 1957 at lumitaw bilang isang makabuluhang pigura sa larangan ng lingguwistika para sa kanyang makabuluhang gawa na Syntactic Structures, na nanghulmang muli sa makaagham na pag-aaral ng wika. Mula 1958 hanggang 1959, siya ay isang National Science Foundation fellow sa Institute for Advanced Study. Kinilala si Chomsky bilang tagalikha o kapwa-tagalikha ng teorya sa universal grammar, ang teorya sa generative grammar, ang Chomsky hierarchy, at ang minimalist program. May mahalang papel si Chomsky sa pagbagsak ng behaviorism, lalo na sa pagiging kritikal sa mga gawa ni B. F. Skinner.
Tahasang tumataliwas si Chomsky sa paglahok ng Estados Unidos sa Digmaan sa Vietnam, naniniwalang ang digmaan ay isang kilos ng imperyalismong Amerikano. Noong 1967, nakaakit si Chomsky ng malawakang pansin sa kanyang mga sanaysay kontra digmaan na pinamagatang "The Responsibility of Intellectuals". Nauugnay sa New Left, ilang beses din siyang inaresto sa kanyang aktibismo at inilagay sa Nixon's "Enemies List". Habang lumalawak ang gawa sa lingguwistika sa mga kasunod na dekada, nasangkot rin siya sa Linguistics Wars. Sa pakikipagtulungan ni Edward S. Herman, si Chomsky kapwa-sumulat ng isang pagsusuri, na nagpapaliwanag sa modelong propaganda ng mga media criticism, at inilantad ang pagsakop ng Indonesia sa East Timor. Bukod pa rito, ang kanyang pagtatanggol sa kalayaan ng pananalita—kabilang ang mga malayang pananalita ng Holocaust deniers—ay nakabuo ng makabuluhang kontrobersya sa Faurisson affair noong maagang bahagi ng dekada 1980. Matapos ng kanyang pagreretiro sa aktibong pagtuturo, ipinagpatuloy ni Chomsky ang kanyang vocal political activism sa pamamagitan ng paglaban sa Digmaan Kontraterorismo at pagsuporta sa Occupy Movement.
Isa sa mga pinakabinanggit na iskolar sa kasaysayan, naiimpluwensiyahan ni Chomsky ang isang malawak na hanay ng mga pang-akademikong sangay. Siya ay malawakang kinikilala bilang isang paradigm shifter na nakatulong sa pagsindi ng isang pangunahing rebolusyon sa agham pantao, na nag-ambag sa pag-unlad ng isang bagong cognitivistic framework para sa pag-aaral ng wika at ang isip. Bilang karagdagan sa kanyang patuloy na pananaliksik, siya ay nananatiling isang nangungunang kritiko ng patakarang panlabas ng Estados Unidos, neoliberalism at ng mga makatabagong state capitalism, ang hidwaang Israeli–Palestinian, at mainstream news media. Ang kanyang mga idea ay napatutunayang makabuluhan sa loob ng mga kilusang anti-kapitalista at anti-imperyalista. Ang ilan sa kanyang mga kritiko na inakusahan siya ng anti-Americanism.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Otero, Carlos Peregrín, pat. (1994). Noam Chomsky: Critical Assessments, Volumes 2–3. Taylor & Francis. p. 487. ISBN 978-0-415-10694-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chomsky, Noam (1996). Class Warfare: Interviews with David Barsamian. London: Pluto Press. pp. 28–29.
The real importance of Carey's work is that it's the first effort and until now the major effort to bring some of this to public attention. It's had a tremendous influence on the work I've done.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Barsky, Robert F. (1998). Noam Chomsky: A Life of Dissent. MIT Press. p. 106. ISBN 978-0-262-52255-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Chomsky, Noam. "Personal influences, by Noam Chomsky (excerpted from The Chomsky Reader)". Chomsky.info. Nakuha noong Mayo 29, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sperlich, Wolfgang B. (2006). Noam Chomsky. Reaktion Books. pp. 44–45. ISBN 978-1-86189-269-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Slife, Brent D. (1993). Time and Psychological Explanation: The Spectacle of Spain's Tourist Boom and the Reinvention of Difference. SUNY Press. p. 115. ISBN 978-0-7914-1469-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Farndale, Nigel. "Noam Chomsky interview". The Daily Telegraph. Nakuha noong Mayo 15, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Noam Chomsky Reading List". Left Reference Guide. Nakuha noong Enero 8, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chomsky, Noam (Setyembre 22, 2011). Noam Chomsky on the Responsibility of Intellectuals: Redux. Ideas Matter. Naganap noong 09:23. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Agosto 26, 2013. Nakuha noong Oktubre 16, 2011.
{{cite midyang AV}}
: Cite has empty unknown parameter:|trans_title=
(tulong); Unknown parameter|dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Barsky 1997, p. 58.
- ↑ Scott M. Fulton, III. "John W. Backus (1924–2007)". BetaNews, Inc.
- ↑ 12.0 12.1 12.2 12.3 12.4 12.5 Adams, Tim (2003-11-30). "Noam Chomsky: Thorn in America's side". The Guardian. Nakuha noong Mayo 8, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 13.0 13.1 "Chomsky Amid the Philosophers". University of East Anglia. Nakuha noong 8 Enero 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gould, S. J. (1981). "Official Transcript for Gould's deposition in McLean v. Arkansas" (November 27).
- ↑ Knuth, Donald E. (2003). "Preface: a mathematical theory of language in which I could use a computer programmer's intuition". Selected Papers on Computer Languages. p. 1. ISBN 978-1-57586-382-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Blackwell Guide to Ethical Theory (ika-2 (na) edisyon). John Wiley & Sons. 2013. ISBN 978-1-118-51426-9.
{{cite book}}
: Unknown parameter|editors=
ignored (|editor=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Keller, Katherine (November 2, 2007). "Writer, Creator, Journalist, and Uppity Woman: Ann Nocenti". Sequential Tart.
- ↑ Stephen Prickett (2002). Narrative, Religion and Science: Fundamentalism Versus Irony, 1700–1999. Cambridge University Press. p. 234. ISBN 978-0-521-00983-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ William D. Hart (2000-04-13). Edward Said and the Religious Effects of Culture. Cambridge University Press. p. 116. ISBN 978-0-521-77810-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ John R. Searle (Hunyo 29, 1972). "A Special Supplement: Chomsky's Revolution in Linguistics". NYREV, Inc.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Aaron Swartz (Mayo 15, 2006). "The Book That Changed My Life". Raw Thought. Nakuha noong 8 Enero 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "MIT Linguistics". Nakuha noong 2017-09-11 – sa pamamagitan ni/ng Facebook.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "World-Renowned Linguist Noam Chomsky Joins UA Faculty". UANews (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-09-11.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)