Silangang Timor

(Idinirekta mula sa East Timor)

Ang Demokratikong Republika ng Timor-Leste, o Silangang Timor, ay isang bansa sa Timog-Silangang Asya. Binubuo ito ng silangang hati ng pulo ng Timor, ng mga kalapit na pulo ng Atauro at Jaco, at Oecusso-Ambeno, isang enclave ng kanlurang Timor sa kanlurang bahagi ng pulo, pinaliligiran ng Kanlurang Timor.

Demokratikong Republika ng Silangang Timor
Repúblika Demokrátika Timór-Leste
República Democrática de Timor Leste
Watawat ng East Timor
Watawat
Eskudo ng East Timor
Eskudo
Salawikain: Unidade, Acção, Progresso
(Portuges: "Pagkakaisa, Pagkilos, Kaunlaran")
Awiting Pambansa: Pátria
(Bayan)
Location of East Timor
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Dili
Wikang opisyalTetum at Portuges[1]
KatawaganEast Timorese, Taga-Silangang Timor
PamahalaanRepublikang parlamentaryo
• Pangulo
José Ramos-Horta
Xanana Gusmão
Kalayaan 
mula sa Portugal[2]
• Ipinahayag
28 Nobyembre 1975
• Kinilala
20 Mayo 2002
Lawak
• Kabuuan
15,410 km2 (5,950 mi kuw) (ika-158)
• Katubigan (%)
walang gaano
Populasyon
• Pagtataya sa Hulyo 2005
1,115,000[kailangan ng sanggunian] (ika-155)
• Densidad
64/km2 (165.8/mi kuw) (ika-132)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2005
• Kabuuan
$2.18 bilyon (206)
• Bawat kapita
$800 (188)
TKP (2007)0.514
mababa · ika-150
SalapiDolyar[3] (USD)
Sona ng orasUTC+9
Kodigong pantelepono670
Kodigo sa ISO 3166TL
Internet TLD.tl[4]
Para sa lathalaing ukol kay Tamerlane, tingnan ang Timur.

Sakop noong ika-16 dantaon ng Portugal ang Silangang Timor, at tinatawag bilang Portuges na Timor hanggang sa matapos ang papanakop nito. Noong huling bahagi ng 1975, inihayag ng Silangang Timor ang kanilang kalayaan, subalit sinakop ng karatig bansang Indonesia at inihayag bilang kanilang ika-27 lalawigan nang sumunod na taon. Ang Silangang Timor ay humiwalay noong 1999 at nakamit nito ang ganap na kalayaan noong 20 Mayo 2002. Nang sumali ang Silangang Timor sa Mga Nagkakaisang Bansa noong 2002, napagpasyahan nilang gamiting opisyal ang pangalan nito sa Portuges na Timor-Leste, at hindi ang pangalan nito sa Ingles na “East Timor”. Isa sa dalawang bansa sa buong Asya ang Silangang Timor na may nakakahihigit na bilang ng Katoliko, sunod sa Pilipinas.

Mga teritoryong pampangasiwaan

baguhin
  1. Pulo ng Atauro[5] (1 Enero 2022)

Talababa

baguhin
  1. Kinikilala ng Saligang Batas ang Indones at Ingles bilang mga "wikang panghanapbuhay".
  2. Sinakop ng Indonesia ang Silangang Timor noong 7 Disyembre 1975 at umalis noong 1999.
  3. Ginagamit din ang baryang sentimo.
  4. Nasa ilalim na ng phased outing ang .tp.
  5. https://www.hatutan.com/2022/04/01/domingos-soares-simu-posse-nuudar-administrador-munisipiu-atauro/.