Si Kristie Anne Kenney (ipinanganak noong 1955 sa Washington) ang kasalukuyang Embahador sa Pilipinas ng Estados Unidos, at ang unang babae na nahirang sa posisyong iyon. Sinundan niya si Francis J. Ricciardone, Jr., ang ngayo'y Embahador ng U.S. Ambassador sa Ehipto. Mayroon siyang Masters degree sa Latin American Studies mula sa Tulane University at Bachelor's degree sa Political Science mula sa Clemson University.

Embahador ng Estados Unidos sa Pilipinas Kristie Kenney

Karerang pampolitika

baguhin

Bago ang pagkakahirang bilang Embahador sa Pilipinas, si Kenney ay nagsilbi bilang Embahador ng Us sa Ecuador. Bago pa siya magtrabaho sa Serbisyong Panlabas ng Estados Unidos, nagtrabaho siya bilang United States Senate Page, isang tour guide sa Kapitolyo ng Estados Unidos, intern sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos, at bilang kasaping kawani ng Komite ng Yamang-Tao ng Senado.

Sa Kagawaran ng Estado, naitalaga siya sa ibayong dagat bilang Tagapayo sa Ekonomiya sa Misyon ng Estados Unidos sa Internasyonal na Kapisanan sa Hinebra, Economic Officer sa Embahada ng E.U. sa Arhentina, at Konsulado sa Embahada ng E.U. sa Hamayka. Naitalga rin siyang Director ng Operations Center ng Kagawaran ng Estado, kasapi ng Pambansang Kapulungan sa Seguridad, at Political-Military Officer sa tanggapan ng usaping NATO.

Nanilbihan si Kenney bilang Kalihim ng Estado ng Kagawaran ng Estado bago maging Mataas na Tagapayo sa Katulong na Kalihim ng International Narcotics at Law Enforcement. Nagtrabaho siya sa parehong kalihim ng Estado Madeleine Albright at Colin Powell at nanguna sa pagpapabago ng pamamahala ng Kagawaran ng Estado mula sa pamahalaan ni Clinton patungo sa pamahalaan ni Bush.

Embahador ng E.U. sa Republika ng Pilipinas

baguhin

Iminungkahi siya ni George W. Bush noong 3 Nobyembre 2005, at sinang-ayunan ng Senado ng Estados Unidos Senate noong 16 Pebrero 2006, at nanumpa sa tanggapan ng Kalihim Condoleezza Rice noong 6 Marso 2006. Noong Marso 17, dumating si Kenney sa Pilipinas bilang kauna-unahang babaeng embahador sa dating kolonya ng E.U. sa Asya. Noong Marso 22 ipinasa niya ang kanyang mga credential sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Noong 4 Disyembre 2007, ibinigay ni Kristie Kenney ang 7 bangka at dalawang Boston whalers sa Hukbong dagat ng Pilipinas na ginanap sa punong-himpilan sa Roxas Boulevard, Maynila. Nagpahayag siya ng suporta kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo: "Hindi, hindi namin sinusuportahan ang extra-constitutional na paraan na pagpapalit ng pamahalaan, sa Pilipinas o saan man sa mundo, sa tingin ko nakakabahala kapag nakakakita ka ng tao na ang pag-uugali at mga gawi ay kontra sa alituntunin ng batas at nilalaman ng Saligang-batas; Patuloy ang Washington sa pagiging matibay na kaalyado ni Arroyo, na pangunahing katulong ni Pangulong George W. Bush sa paglaban sa mga terorista sa Timog-Silangang Asya; Nais namin ang pag-unlad ng bansang ito." [1] Noong 5 Disyembre 2007, personal na iginawad ni Embahador Kristie Kenney ang isang internasyunal na parangal kay Gob. Grace Padaca ang prestihiyosong International Women of Courage Award, na naigawad na rin sa Kalihim ng Estado ng Estados Unidos na si Condoleezza Rice. Iginawad ito kay Padaca bilang pagkilala sa kanyang patuloy na pagpapaunlad ng Isabela.[2] Nilagdaan din nina Kenney at Bert Hoffman, direktor ng Bangkong Pandaigdig sa Pilipinas, ang kasunduan tulong para sa $750,000 humigit-kumulang na 32 milyong piso para as Bangsang Moro Mindanao Trust Fund. Nauna na rito inanunsiyo niya ang pagbibigay ng tulong sa Pilipinas para maitaguyod ang pagpaplano ng pamilya sa mga lugar ng trabaho at ang donasyon ng E.U na 38,000 na dolyar para sa pagpapanatili ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe.[3]

Personal na buhay

baguhin

Kasal siya sa kasalukuyang Embahador ng Estados Unidos sa Colombia William Brownfield. Marunogn siyang magsalita ng Wikang Kastila at Wikang Pranses. Lumabas na siya sa mga programa ng ABS-CBN tulad ng Wowowee at Umagang Kay Ganda kung saan nanguna siya sa sayaw na Boom Tarat Tarat at Papaya ayon sa pagkakabanggit.

Mga kawing panlabas

baguhin
  • "Kenney, Kristie A." (official biography). Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos. 2006-07-06. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-07-13. Nakuha noong 2007-08-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Afp.google.com, US ambassador gives backing to Philippine president". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-06-09. Nakuha noong 2007-06-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Abs-Cbn Interactive, Kenney to confer Padaca with International Women of Courage Award[patay na link]
  3. "Inquirer.net, US to donate $38,000 for preservation of terraces". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-06. Nakuha noong 2009-11-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Diplomatic posts
Sinundan:
Gwen C. Clare
Embahador ng Estados Unidos sa Ecuador
2002–2005
Susunod:
Linda Jewell
Sinundan:
Darryl N. Johnson
Chargé d'Affaires ad interim
Embahador ng Estados Unidos sa Pilipinas
2006–Kasalukuyan
Susunod:
Incumbent