Kristofer Martin

Si Kristofer Martin Roach Dangculos (ipinanganak Nobyembre 20, 1994), mas kilala bilang Kristofer Martin, ay isang artista mula sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera bilang artista nang sumali siya sa patimpalak na Little Big Superstar na isang palabas pantelebisyon kung saan natanggal siya sa ikalawang linggo. Gumanap siya sa mga palabas ng ABS-CBN katulad ng Prinsesa ng Banyera, Kung Fu Kids, Ligaw na Bulaklak at Pare Koy kung saan nakilala siya bilang Kristofer Dangculos.[1]

Kristoffer Martin
Kapanganakan
Kristoffer Martin Roach Dangculos

(1994-11-20) Nobyembre 20, 1994 (edad 27)
Ibang pangalanKrisMart, Kris, KrisM
Trabaho
  • Actor
  • model
  • singer
Taóng aktibo2007-kasalukuyan

Noong 2010, lumipat si Martin sa GMA Network at lumabas sa mga ilang palabas pantelebisyon tulad ng Endless Love,[2] Tween Hearts, Munting Heredera, Pahiram ng Sandali, Kakambal ni Eliana at Kahit Nasaan Ka Man. Lumabas din siya sa variety show na Sunday All Stars.

Mga sanggunianBaguhin

  1. Almo, Nerisa (28 Enero 2008). "'Kung Fu Kids' kicks off January 28 on ABS-CBN". Philippine Entertainment Portal. Kinuha noong 1 Abril 2016.
  2. Santiago, Erwin (25 Hunyo 2010). "Endless Love stars Kristoffer Martin and Kathryn Bernardo: The next Joshua Dionisio and Barbie Forteza?". Philippine Entertainment Portal (sa Filipino at Ingles). Kinuha noong 1 Abril 2016.