Kilusang Pandaigdig ng Krus na Pula at Gasuklay na Pula
Ang Kilusang Pandaigdig ng Krus na Pula at Gasuklay na Pula[1] (Ingles: International Red Cross and Red Crescent Movement) ay isang pandaigdigang kilusang humanitaryo na may 97 milyong boluntaryo sa buong mundo kung saan ang kanilang misyon ay ipagsanggalang ang buhay at kalusugan ng tao, na siguraduhin ang respeto para sa tao, at hadlangan at lunasin ang pagdurusang pantao, nang walang diskriminasyon batay sa nasyonalidad, lahi, pananampalataya, klaseng panlipunan o opinyong pampolitika.
Kasaysayan
baguhinSumibol ang ideya ng pagkakaroon ng kilusan o samahan ng Krus na Pula mula sa Suwisong bangkerong si Henri Dunant, pagkaraang masaksihan ni Dunant ang paghihirap na dinanas ng mga sugatang kawal sa Labanan ng Solferino sa pagitan ng mga Austriano at ng mga Pranses, na naganap sa Hilagang Italya noong 1859. Nagsulat si Dunant ng isang aklat hinggil sa labanan at nagmungkahi ng isang samahan sa bawat isang bansa na tutulong sa mga sundalong sugatan. Kaya't noong 1863, naganap ang isang pagpupulong sa Ginebra, Suwisa na nagbunga sa pagkakaroon ng unang mga samahan ng Krus na Pula.[2]
Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng gampanin ang Krus na Pula sa buong mundo, katulad ng pagbibigay ng pagbibigay ng paunang tulong o tulong pang-emerhensiya sa panahon ng mga sakuna, pagtulong sa mga bilanggo ng digmaan, at pagpapatakbo ng mga programang pangkawanggawa.[2]
Mga sagisag
baguhinNaging sagisag ng kilusan ang isang krus na pula na nasa ibabaw ng isang puting panlikod. Sa mga bansang Muslim, ginagamit ang gasuklay na pula, sa halip na krus na pula. Iginagalang ng lahat ng mga bansa o nasyon ang mga sagisag na ito.[2]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Krus na Pula" ang ginamit na salin ng Balitang Malacañang (29 Nobyembre 2013) Naka-arkibo 2014-07-03 sa Wayback Machine. para sa "Red Cross".
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Founded the Red Cross?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767., pahina 70.