Ang kubing (Ingles: jaw's harp) ay isang katutubong instrumentong Pilipino na yari sa kawayang may mga sukat na 7 pulgada pahaba, 1/2 pulgada ang lawak at 1/8 pulgada kakapal. Tinutugtog ito sa pamamagitan ng pag-ipit nito sa pagitan ng mga labi at pag-pitas ng dulo nito. Ang bibig ay nagsisilbing resonator, at maaaring mabago ang tunog sa pamamagitan ng pagmanipula sa hugis ng bibig. Ginagamit ang kubing sa iba-ibang lugar sa Pilipinas at kadalasan bilang gamit pang-komunika at panligaw. Tinatawag din itong kulibaw sa Isabela, kuribaw sa Cagayan, kubing sa mga taga-Maguindanao, kobing sa mga Maranao, at kulaing sa mga Tausug.[1]

Mga uri ng kubing

Mga sanggunian

baguhin
  1. Music instruments and songs from the Cagayan Valley Region. Cagayan: Ministry of Education, Culture and Sports. 1986.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.