Kubrador
Ang Kubrador (Ingles na pamagat: The Bet Collector) (2006), ay isang pelikulang Pilipino na nakasentro jueteng, isang sugal na nagmula pa noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.
Kubrador | |
---|---|
Direktor | Jeffrey Jeturian |
Prinodyus | Joji Alonso MLR Films |
Sumulat | Ralston Jover |
Itinatampok sina | Gina Pareño Soliman Cruz Nanding Josef Johnny Manahan Jhong Del Rosario Nico Antonio Fonz Deza |
Musika | Jerrold Tarog |
Sinematograpiya | Roberto Yniguez |
In-edit ni | Jay Halili |
Inilabas noong | 2006 |
Haba | 98 minuto |
Bansa | Pilipinas |
Wika | Tagalog |
Balangkas
baguhinNakatuon ang kuwento sa tatlong araw sa buhay ni Amelita (ginampanan ni Gina Pareno), isang kubrador para sa bawal na sugal na jueteng. Araw-araw siyang nangongolekta ng mga taya mula sa kanyang mga regular na mga parokyano sa kabila ng pagpuksa ng pamahalaan sa larong ito. Isang araw, nahuli siya ng pulis. Nasama siya sa iba pang mga kubrador sa himpilan ng pulis hanggang nagpiyansa ang kanyang protektor.
Nang kinaumagahan, patuloy pa rin si Amelita sa kanyang mga ilegal na gawain. May isang Katolikong pari ang nakilala niya na nagsabing namatay sa isang aksidente ang kapitbahay niyang bata pa. Hiniling ng pari na mangolekta siya ng mga donasyon mula sa mga kapitbahay at mga kaibigan. Pagkatapos noon, isang serye ng mga pangyayari ang nagbago sa kanyang maka-mundong buhay sa isang masalimuot na laro ng buhay, kapalaran at kamatayan.
Produksiyon
baguhinMga Tauhan
baguhinDireksiyon
baguhinPagpapalabas
baguhinBansang pinalabas[1] | Petsa | Tanda |
Canada | 8 Setyembre 2006 | Ipinalabas sa Toronto Film Festival |
Pilipinas | 3 Nobyembre 2006 | Ipinalabas sa Cinemanila Film Festival |
Pransiya | 11 Nobyembre 2006 | Ipinalabas sa Amiens International Film Festival |
Estonia | 2 Disyembre 2006 | Ipinalabas sa Tallinn Black Nights Film Festival |
Poland | 20 Hulyo 2007 | Ipinalabas sa ERA New Horizons Film Festival |
Estados Unidos | Enero 10 at 11, 2008 | Ipinalabas sa Museum of Modern Art |
Mga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula mula sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.