Pthirus pubis

(Idinirekta mula sa Kutong alimango)


Ang crab louse (Ingles, literal na "kutong [kahawig ng] alimango", pinapaikling "crabs") ay mga parasitong kulisap na kilala sa larangan ng biyolohiya bilang Pthirus pubis. Isa sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik ang pagkakaroon ng mga kuto ng bulbol. Mayroon ang mga ito ng maliliit na sukat na mga 3 milimetro lamang, kaya mahirap makita. Nabubuhay ito ng may 24 na oras sa labas ng katawan ng tao. Sa buong buhay nila, naninirahan ang mga kutong alimango sa mga buhok ng tao, katulad ng mga bulbol sa may aring pangkasarian. Dugo lamang ang kinakain ng mga kutong ito, at nalalamang sa katawan ng tao lamang sila naninirahan. Subalit bukod pa sa mga kuto sa buhok na ito, maaari ring pamahayan ang katawan ng tao ng iba pang mga kuto, katulad ng mga kuto sa katawan (Pediculus humanus humanus, Ingles: body louse) at kuto sa ulo (Pediculus humanus capitis, Ingles: head louse).

Crab louse
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Arthropoda
Hati: Insecta
Orden: Phthiraptera
Pamilya: Pthiridae
Sari: Pthirus
Espesye:
P. pubis
Pangalang binomial
Pthirus pubis
Kasingkahulugan

Pediculus pubis Linnaeus, 1758

Pubic lice in genital area
Pubic lice on abdomen
Pubic lice on eyelashes

Paghahawa

baguhin

Hindi kayang ipagsanggalang sa pamamagitan ng kondom ang paglipat ng mga kuto mula sa katawan ng isang tao patungo sa iba. Nangyayari ang pagsalin ng kuto sa pamamagitan ng paghihiraman ng mga personal na gamit katulad ng tuwalyang pampaligo at pamunas, ng brip, at ng panti.

Mga palatandaan

baguhin

Kabilang sa mga sintomas ng pagkakaroon ng kuto sa bulbol ang malubhang pangangati ng titi at kiki, partikular na kung gabi; paglitaw ng mga maliliit na sugat sa labas ng titi at kiki; pagkakaroon ng mga mapuputing itlog ng mga kuto sa ari; at paglabas ng mga tulduk-tulduking mga mantsang dugo sa panti at brip.

Katatagpuan

baguhin

Kalimitang mapapansin ang mga kuto sa mga may amoy mabalahibo at mamasamasang bahagi ng katawan ng tao, subalit maaari ring mamugad sa mga kilay, pilik-mata, buhok ng kili-kili, bigote at balbas.

Mga kalubhaan

baguhin

Maaaring pasukan ng mga impeskyon ang mga sugat sa katawan ng tao. Maaari ring kakitaan ng iritasyon, insomnia, depresyon, at sinat ang isang taong kinukuto.

Mga sanggunian

baguhin