Ang kwitis ay isang uri ng paputok o pailaw na gumagamit solidong nagbubunsod na rocket upang mabilis itong tumaas patungo sa langit. Sa rurok ng kanyang pagtaas, may mga lumalabas na karaniwang resulta tulad ng mga mala-bituin na epekto, pagkalabog, kaluskos atbp. Upang maging matatag, nilalapatan ng iba't ibang kaparaanan ang kwitis para matiyak na ang paglipad ay susunod sa isang nahuhulaang daan. Kadalasan, gumagamit ng mahabang patpat na nakakabit sa gilid, ngunit kabilang din ang mga palikpik para maging matatag ang pag-ikot.

Propesyunal na pagpapakita

baguhin

Isa sa karaniwang maling kaisipan tungkol propesyunal na pagpapakita ng pailaw o fireworks ay ang paggamit ng mga kwitis para magbunsod ng mga pirotekniyang epekto sa himpapawid. Sa katotohanan, malawak na ginagamit ang kwitis bilang isang produkto para sa mga mamimili o consumer. Sa propesyunal na pagpapakita ng pailaw, hindi kwitis ang ginagamit kundi mga mortar at bala pang-himpapawid upang maibunsod ito sa kalangitan.

Pagbenta at regulasyon

baguhin

Sa Pilipinas, ang Batas Republika Blg. 7183 ay sinabatas upang pangasiwaan at pigilan ang pagbenta, pamamahagi, paggawa at paggamit ng mga paputok para sa kaligtasan ng publiko.[1] Ayon sa batas na iyon, legal ang kwitis na sinasabing mas malaki sa paputok na baby rocket at nagbubunsod mula 40 hanggang 50 talampakan (12 m hanggang 15 m) bago sumabog.[1][2] Bagaman legal, nagdudulot ito ng panganib sa mga gumagamit. Noong 2011, ang kwitis ay naitala bilang ikalawa sa mapaminsalang paputok pagkatapos ng piccolo.[3]

Mga larawan

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "REPUBLIC ACT NO. 7183". chanrobles.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 28, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Roxas, Joseph Tristan (Nobyembre 29, 2016). "PNP bares list of legal firecrackers, pyrotechnics for holiday revelry". GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 28, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Elona, Jamie Marie. "Piccolo, kwitis, Goodbye Bading, others lead 'cracker-related injuries". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 31, 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)