Si Lê Đức Thọ (Vietnamese: [lē ɗɨ̌k tʰɔ̂ˀ]  ( listen); 14 Oktubre 1911 – 13 Oktubre 1990), ipinanganak bilang Phan Đình Khải sa Lalawigan ng Nam Dinh, ay isang rebolusyonaryong Vietnamita, heneral, diplomatiko, at politiko.[1] Siya ang unang Asyano na nagawaran ng Gantimpalang Nobel para sa Kapayapaan, kasama ang Kalihim ng Estado ng Estados Unidos na si Henry Kissinger noong 1973, subalit tinanggihan ang parangal.

Lê Đức Thọ
Pinuno ng Sentral na Nag-oorganisang Komisyon ng Partido Komunista ng Vietnam
Nasa puwesto
1976–1980
Nakaraang sinundanLê Văn Lương
Sinundan niNguyễn Đức Tâm
Nasa puwesto
1956–1973
Nakaraang sinundanLê Văn Lương
Sinundan niLê Văn Lương
Kasapi ng Sekretarya
Nasa puwesto
1960 – 10 Disyembre 1986
Kasapi ng Politburo
Nasa puwesto
1955 – 18 Disyembre 1986
Personal na detalye
Isinilang
Phan Đình Khải

14 Oktubre 1911(1911-10-14)
Nam Trực, Lalawigan ng Nam Định, Indotsinang Pranses
Yumao13 Oktobre 1990(1990-10-13) (edad 78)
Hanoi, Sosyolistang Repulika ng Vietnam
KabansaanVietnamita
Partidong pampolitikaPartido Komunista ng Vietnam (1945–1990)
Ibang ugnayang
pampolitika
Partido Komunistang Indotsina (1930–1945)

Rebolusyonaryong komunista

baguhin

Naging aktibo si Lê Đức Thọ sa nasyonalismong Vietnamita bilang tinedyer at ginugol ang karamihan ng kanyang pagbibinata sa piitang Pranses, isang karanasan na pinatigas siya. Ang palayaw niya ay "ang Martilyo" sa ulat ng kanyang pagiging mahigpit.[2] Noong 1930, tumulong si Lê Đức Thọ na itatag ang Partido Komunista Indotsina. Kinulong siya ng mga awtoridad ng kolonyal na Pranses mula 1930 hanggang 1936 at muli mula 1939 hanggang 1944. Kinulong siya ng mga Pranses sa isa sa mga selda ng "kulungan ng tigre" sa bilangguan na matatagpuan sa pulo ng Poulo Condore (makabagong Pulong Côn Sơn) sa Timog Dagat Tsina. Tinuturing pinakamalupit ang seldang "kulungan ng tigre" ng Poulo Condore sa lahat ng Indotsinang Pranses.[3] Sa panahon ng kanyang pagkakakulong sa "kulungan ng tigre," nagdusa si Tho sa gutom, init at kahihiyan. Kasama ng ibang bilanggong Komunistang Vietnamita, nag-aral siya ng panitikan, agham, mga banyagang wika at umarte sa Molière na mga palabas.[4] Sa kabila ng pagkakakulong sa kanya ng mga Pranses, tinuring pa rin ang Pransya bilang "lupain ng kalinangan," at nagbayad ang mga bilanggo ng isang "hindi karaniwang tributo" sa kulturang Pranses sa pamamagitan ng paglalagay sa mga Molière na palabas.[5]

Pagkatapos makalaya noong 1945, tumulong siyang pamunuan ang Viet Minh, ang kilusan para sa kalayaan ng Vietnam, laban sa Pranses, hanggang napirmahan ang Kasunduang Geneva noong 1954. Noong 1948, naroon siya sa Timog Vietnam bilang Diputadomg Kalihim, Pinuno ng Organisasyong Departamento ng Kotsintsinang Komiteng Partido. Pagkatapos, sumali siya sa Lao Dong Politburo ng Partido ng Manggagawa ng Vietnam noong 1955, Partido Komunista ng Vietnam ngayon. Nangasiwa si Thọ sa insurhensiya Komunista na nagsimula noong 1956 laban sa pamahalaan ng Timog Vietnam. Noong 1963, sinuportahan ni Thọ ang pagpurga ng Partido na umiinog sa Resolusyon 9.[6]

Gantimpalang Nobel sa Kapayapaan

baguhin

Magkasamang ginawaran sina Thọ at Henry Kissinger ng Gantimpalang Nobel sa Kapayapaan para sa kanilang pagsisikap sa pakikipag-ayos ng Kasunduang Kapayapaan sa Paris.[7] Bagaman, tinanggihan ni Thọ ang parangal, at sinabing hindi pa naitatag ang kapayapaan, at ang mga pamahalaan ng Estados Unidos at Timog Vietnam ay lumabag sa Kasunduang Kapayapaan sa Paris.

Kamatayan

baguhin

Namatay si Lê Đức Thọ noong Oktubre 13, 1990, ang gabi bago ang kanyang ika-79 kaarawan, na naiulat na nagdusa sa kanser, sa Hanoi.[8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Bruce M. Lockhart, William J. Duiker Historical Dictionary of Vietnam entrada ng 2006 p. 202: Lê Đức Thọ (sa Ingles)
  2. Langguth, A.J. Our Vietnam: The War 1954–1975, New York: Simon and Schuster 2000 p. 510 (sa Ingles)
  3. Langguth, A.J. Our Vietnam: The War 1954–1975, New York: Simon and Schuster 2000 p. 250 (sa Ingles)
  4. Karnow, Stanley Vietnam A History, New York: Viking 1983 p. 125 (sa Ingles)
  5. Karnow, Stanley Vietnam A History, New York: Viking 1983 p. 623 (sa Ingles)
  6. Thu-Hương Nguyễn-Võ The Ironies of Freedom: Sex, Culture, and Neoliberal Governance in Vietnam Seattle : University of Washington Press, c2008. ISBN 0295988509 (pbk. : alk. paper). ISBN 978-0-295-98865-8. 2008– Page 73 "This resolution unleashed a terror campaign against the "revisionist antiparty clique." Lê Đức Thọ, head of the Party Central Organization Committee, announced to party cadres: "The theoretical front to counter contemporary revisionism we ..." (sa Ingles)
  7. "The Nobel Peace Prize 1973" (sa wikang Ingles). Nobel Foundation. Nakuha noong 31 Disyembre 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Lê Đức Thọ at www.biography.com Naka-arkibo 2019-04-17 sa Wayback Machine. Hinango noong 5 Hulyo 2017 (sa Ingles).