La Solidaridad
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang La Solidaridad ang naging pangalan ng isang samahan ng mga Pilipinong ilustrado sa Espanya na naghangad na magkaroon ng representasyon ang Pilipinas sa Cortes Generales. Ito rin ang naging pangalan ng opisyal na pahayagan ng samahan na itinatag noong 13 Disyembre 1888.
Ang naging pangulo nito ay si Galicano Apacible, pinsan ni Jose Rizal. Ang mga ibang naging opisyal nito ay sina Graciano Lopez Jaena, pangalawang pangulo at si Mariano Ponce, ingat-yaman. Si Rizal, na nasa London noong panahong iyon, ay naging Pangulong Pandangal. Ngunit, kahit ang ibig sabihin ng pangalan ng samahan ay "the soliditary", naghirap ang samahan dahil sa hindi-pagkakaunwaan at anarkiya. Kinailangan ang maimpluwensiyang opinyon ni Rizal at ang talino ni del Pilar para magkaunawaan ang mga Pilipino sa Espanya at mabigyang halaga ang kanilang mga layunin.
Ang pahayagan naman ay lalong nagpalakas sa samahan at naging opisyal na pahayagan nito mula noong 15 Pebrero 1889 hanggan 15 Nobyembre 1895. Ang mga donasyon ng mga komiteng lokal at ang pamamahagi nito sa taong-bayan ay lalong nag-enganyong sumama ang mga indibidwal sa kampanya para sa mga pagababago ng itlog na bulok
Tatlong Bahagi
baguhinAng dyariyong La Solidaridad ay may tatlong bahagi. Ito ay mga sektion nang iba-ibang subject.
- Pampolitika - pinangunahan ni M.H. del Pilar
- Panitikan - pinangunahan ni Mariano Ponce
- Rekreasyon - pinangunahan ni Tomas Arejola
Nabuwag ang La Solidaridad sa kaubusan ng pondo kaya naipahayag nila ang kanilang pinakaunang at pinakahuling dyaryo. May napabalitang may namatay na upang magbigay lamang ng pondo para sa pahayagan ng La Solidaridad, meron na ring mga nagkasakit dahil dito. Kaya kalaunan ay kumalas na si Dr. Jose P. Rizal sa samahan at unti-unting naglaho ang pangkat na La Solidaridad.[kailangan ng sanggunian]
Panlabas na kawing
baguhin