Labanan sa Golpo ng Leyte
Ang Labanan sa Golpo ng Leyte, kilala rin bilang ang Ikalawang Digmaan sa Karagatan ng Pilipinas, ay ang pinakamalaking labanan sa tubig sa kasaysayan ng mundo. Naganap ito sa mga anyong tubig na pumapaligid sa pulo ng Leyte, sa Pilipinas mula noong Oktubre 23 hanggang Oktubre 26 1944 sa pagitan ng mga Magkaka-alyadong Bansa at ang Imperyo ng Hapon. Nais ng mga Hapones na matalo ang mga sundalo ng Magkaka-alyadong Bansa sa Leyte matapos makuha ito sa mga Hapones sa Labanan sa Leyte. Ngunit, natalo ng mga sundalong Amerikano at iba pang mga kakampi nito ang hukbo ng Imperyal na Hukbong Pandagat ng mga Hapones. Ito ang pinakahuling pangunahing labanan sa karagatan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang "Labanan" sa Golpo ng Leyte ay isang kampanyang mayroong apat na magkakaugnay na labanan, ang Labanan ng Dagat Sibuyan, Labanan ng Kipot Surigao, Labanan ng Cape Engaño at Labanan ng Samar. Dito rin unang ginamit ang eroplanong kamikazee. Isang kamikazee ang tumama sa bapor-de-gerang HMAS Australia noong Oktubre 21.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.