Lalaine Bennett

aktres

Si Lalaine Betia Bennett ay naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 1963. Mula Bayombong, Nueva Vizcaya, siya ang kauna-unahang Binibining Pilipinas sa patimpalak ng kagandahan na ito na nakarating sa finalists ng Miss Universe, bilang third runner-up.[1] Si Bennett ay lumahok sa edad na 19, sa tangkad na 5-foot-9.[2]

Lalaine Bennett
MamamayanPilipinas
Trabahoartista

Pagkatapos ng kanyang pakikilahok, pumasok siya sa larangan ng pelikula. Lumabas siya sa dalawang pelikula, Dear Eddie noong 1963 at Lalaine, Mahal Kita noong 1964.[1] Nagtampok din si Bennett sa dalawang giyerahang pelikula na Death Was a Stranger at The Hunters' ROTC Guerrilla Story, mula sa National Artist na si Lamberto V. Avellana. Naipalabas rin siya sa No Way Out, ang unang co-production sa pagitan ng Pilipinas at Timog Korea, at sa Bilis sa Bilis katambal si Cesar Ramirez.[2]

Kapanganakan

baguhin

Pinanganak siya noong 1945 sa Bayombong, Nueva Vizcaya.[kailangan ng sanggunian]

Pelikula

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Dolor, Danny (Setyembre 19, 2015). "Lalaine B. Bennett: Miss U '63 finalist". The Philippine Star (sa wikang Ingles). MediaQuest Holdings. Nakuha noong Abril 19, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Concepcion, Loreto (Enero 16, 2017). "Remembering the first Filipina finalist in Miss Universe pageant". Manila Standard (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 19, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.